Chapter 39

1816 Words

Chapter 39 "Itong anak ko talaga, may pagka-OA. Tumawag 'to sa akin, Judas. Sabi babalik na raw siya sa akin. Akala ko naghiwalay kayo o nag-away. Kasama ka naman pala. Ninerbyos pa ako," reklamo ng Mommy ni Zabina. "Mommy, papasukin mo muna kami at paupuin bago mo 'ko isumbong kay Judas. Pagbuhulin ko pa kayong dalawa eh," reklamo rin ni Zabina. Hingal na hingal pa ito sa paglakad. Limang hakbang pataas lang naman ang bahay nila para makapasok sa malaking pintuan, pero napagod siya. "Eh, nagsasabi naman ako nang totoo. Ang drama pa ng boses mo kagabi no'ng tumawag ka. Isip tuloy ako nang isip kung ano kaya ang pinag-awayan niyong dalawa? Pero mas lamang na naisip kong ikaw ang may kagagawan kung mag-away man kayo," tugon pa ng Mommy nito. Umupo naman si Zabina sa sofa at ilang beses

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD