Chapter 32 Nang makaligo na si Zabina ay muli na din naman siyang bumaba. She just wore her comfortable dress. Para kahit paano ay mukha naman siyang presentable sa mga buwisita nila. "Ang tagal mong bumaba. Let's have lunch." Tawag sa kanya ng ina. Hindi alam ni Zabina kung ano ba ang dapat na maramdaman niya eh. Yes, she's happy to see Judas again. Nagtataka nga siya kung bakit hindi man lang ito galit sa kanya sa kabila ng pag-iwan niya rito noon. Kasi kung siya 'yon? Magtatanim siya ng galit at hindi kaagad na magpapatawad. Hindi pa niya papansinin ang taong nang-iwan sa kanya. Pero si Judas, kakaiba talaga eh. Hindi niya tuloy alam kung santo ba ito o totoo ngang hanggang ngayon ay mahal pa rin siya nito. "Why?" Tanong ni Judas. Nakita kasi siya nito na nakatitig sa mukha nito ha

