Chapter 28 Natapos na ang kasal ng ate Zara niya noong isang buwan pa. She cried so much on her ate's wedding day. Ang dami tuloy niyang kuha na litrato at video na humahagulgol mula sa kasal sa resort ni Axel hanggang sa Reception area. Ang dami niyang naging eksena sa same-day-edit video ng mag-asawa. Masaya lang naman kasi siya para sa ate niya. She knows Axel is a good man. Mayaman ito at mukhang mabait sa ate Zara niya. Kitang-kita niya ang respeto, pagmamahal at panginginig nito kapag hindi na umimik ang ate niya. Walang pagsidlan ang saya niya. Pero siyempre, malungkot din kasi bubukod na sila at hindi na niya palaging makikita ang kapatid niya kahit na gustuhin niya anumang oras. Sa Beach Resort ni Axel tumutuloy ay bagong kasal. Kapag nasa Maynila naman, minsan ay nasa bahay si

