AGREEMENT

1838 Words
CHAPTER 2 Tuliro na naglalakad si Kios pabalik ng kanyang kwarto. Rumehistro kasi sa kanyang utak ang magandang imahe ng babae, bakit naman kasi naisipan pa nyang puntahan. Pwede naman nyang hayaan na magutom eto at mag-antay sa kanya bukas. Hindi nya namamalayan bumababa na sya ng hagdan at papuntang kusina saka lamang nya narealize na nasa kusina na sya. "Teka anong ginagawa ko dito sa kusina? Wake up Kios, she's a dirty women, wala syang impact sayo OK? " Natatawa at napailing iling na lang si Kios sa kanyang sarili.. At bago pumanhik muli sa taas ay uminom mona eto ng malamig na tubig sa palamigan. Pilit nyang tinatanggal sa kanyang isipan ang nakita nya ngunit habang umiinom sya ng tubig ay parang mas lalo nya etong naaalala. "f**k!What the Hell!.Ipaligo ko lang eto at itulog." Ang sabi sa sarili ni Kios.Kong ano man ang nararamdaman nya sya lamang ang tanging nakakaalam. Lumipas ang mabilis na gabi at dumating ang umaga, Ngunit wala sa kanilang dalawa ang nagigising hanggang sumapit na ang tanghali. Nagising si Gaile at cheneck ang oras. Pasado ala una na ng hapon ayun sa timer ng kanyang cell phone.Bumangon sy at may kinuhang maliit na pouch sa kanyang bag at tumungo ng bathroom naghilamos, nag toothbrush. Pagkatapos nyang gawin iyon ay ibinalik sa ayos muli ang kanyang hinigaan na kama. "Magandang kwarto, salamat sa isang gabing pag-gamit ko sa inyo..hinding hindi ko kayo makakalimutan sa buhay ko.paalam na." Bago tuluyang isara ang pintuan ay muli nya etong pinagmasdan Malayong malayo kasi eto sa kanyang kwarto na ubod ng liit. Bumuntong hininga mona eto bago tuluyang umalis. Bumaba sya ng hagdan at agad naman nyang nakita sa sala ang lalaking may ari ng bahay na nakaupo sa sala at uminom ng kape. "Salamat naman at gising ka na nauna pa ako sayo." Ang wika nito kay Gaile. "Pasensya na Mr.? " "Kios Valdemor, just call me Kios." "Ohh! Pasensya na Kios, hindi talaga ako bumaba ng maaga kasi hindi ba sabi mo tanghali ka na gumigising ayaw ko naman magmukhang tanga mag-antay sayo hindi ba?" Ang palusot naman ni Gaile. "Hm!, anyway let's talk now, sit." Lumapit naman si Gaile at naupo kaharap si Kios sa sala. "Be my fake wife, and you can get 6 millions grab it or leave it... Oh by the way, Nakakaintindi ka naman seguro ng English kahit papano tama ba? " Ouch! Grabe naman etong lalaki na eto magsalita may pagka mayabang din." Ang bulong ni Gaile sa kanyang sarili na itinaas nya ng kilay. "Ah,, Mr. KIOS VALDEMOR. Oo nga medyo nose bleed ako sa kaka English mo tama ka nga.. Tagalugin mo na lang para maintindihan ko." "Ano ba ang pangalan mo?" "Ako si Gaile De Gusman, 19 anyos ang edad nakatira sa cavite at nakatayo sa iyong harapan at nagsasabing KAHIT ANONG GWAPO MO AT KAYAMAN KONG MAYABANG KA NAMAN.....BASURA KA SA AKIN." Nakatitig sa mukha ni Kios si Gaile habang taas noong nagpapakilala ng kanyang sarili na animo'y isang Kandidata sa isang pageant. "May pinaparinggan ka ba?" "Aba, wala ah! .. Eh, anong magagawa ko sadyang ganito ako magpakilala nuon pa man kahit tanungin mo pa mga kaibigan ko Promise." Itinaas pa ni Gaile ang kanyang kaliwang kamay tanda na nanunumpa sya. "OK sige, mabalik tayo sa ating pinag-uusapan Gaile." Six millions, maging Fake wiife ko. Naiintindihan mo naman seguro. Ano ba natapos mo? " "Namumuro na talaga sa akin ang Mayabang na lalaking eto. Ansarap tadyakan sa mukha o kaya sabuyan ng mainit na tubig ng mawala ang ka-gwapuhan. Ewan ko na lang kong makapag yabang pa ang mokong na eto." Ang lihim na sinasabi ng isip ni Gaile na pilit kinakalma ang sarili. "Ah, Mr. Kios, ituloy nyo lang po ang sinasabi nyo. Nakakaintindi naman po ako tuloy lang po." "OK, 1 million ibibigay ko sayo ngayon din kong papayag ka. Pagkatapos ng wedding ibibigay ko sayo ang 2millions at pagkatapos ng 1 year ang remaining 3millions." "OK, payag na payag ako.Yun lang naman pala e. Ang mabilis na sagot ni Gaile. "Hindi lang iyon. May mga kondisyon at dadaan tayo sa legal na proseso at inihahanda na eto ng aking abugado maya-maya lang ay darating sya." "Ano bang kasunduan ang gusto mo?" "Simple lang, hindi naman ako basta basta magtatapon ng six millions ng walang kasiguraduhan". "Una sa loob ng isang taon hindi ka mangangalakal ng iyong katawan." "Okay!" "Pangalawa, walang lalaki ang dapat na dumikit sayo o boyfriend." "Okay!" "Pangatlo, gampanan mo ang iyong pagiging asawa sa akin." "Ayy!.. Sandali, mukhang tagilid tayo dyan.. Akala ko ba hindi ka pumapatol sa prostitute e bakit may paganyan?" "Hindi nga, at huwag kang mag-alala dahil hindi ako interesado sayo at gaya ng sinabi ko, never akong pumatol sa isang katulad mo." "Oh, OK sinabi mo eh. Ganun naman pala. E ano kasi yang gampanan ang pagiging asawa? " "Ibig sabihin nyan, maging desenteng babae ka habang dala mo ang pangalan ko, naiintindihan mo ba? " "Ahh.!! . Yun naman pala eh .Oka, .sige payag na payag. Ang dali namam pala akala ko kong amo na." "Pang-apat, walang pakialamanan." "Mas lalong ayos sa akin 'yan.. Sinabi mo yan ha." "Panglima, kapag kaharap ang Lola ko kailangan hindi tayo mabubuko na FAKE WIFE kita maliwanag ba miss Gaile Degusman? " "OPO! Sir Kios Valdemor Maliwanag na Maliwanag po." "Kapag lumabag ka sa mga nakasaad sa kasunduan ang natitirang 3 millions ay hindi mona makukuha at lahat ng mga nakuha mo na pera ay kailangan mong ibalik, kasama ang penalty. Kapag umurong at lumabag ka sa kasunduan natin gets mo ba? " "Opo! Sir, Kios. Gets na gets ko." "Good!" "Ako pa ba? napakadali lang pala ng mga kondisyones mo kayang kaya." Ang muling sinasabi ni Gaile sa kanyang sarili. "Ok, kong ganun gumawa ka na lang ng makakain sa kusina habang hinahantay ang attorney ko." Tumayo na eto at tinalikuran na si Gaile. "Opo Sir salamat!.Sasakyan na lang kita sa anumang trip mo ang mahalaga may 6millions ako. Naku! Sila mama nga pala, baka hinahanap na nila ako, bat kasi nawala din sa isip ko. Matawagan nga mona." "Hello, Ma." "Oh Gaile, Asan ka ba? bakit hindi ka pa pumunta dito sa hospital,ng makapagpaligo naman ako at makapagpalit ng damit." "Ma, mamaya pupunta na ako dyan. At Ma, wala na tayong problema mapapaopera na natin si papa." Ang masayang pagbabalita nito. "Anong ibig mong sabihin anak?" "Hindi na natin problema kong saan maghahagilap ng pera pampaopera kay papa okay na nakakuha n apo ako." "Ano? ,totoo? At Saan ka naman nakakuha ng ganyan kalaking halaga. Hindi bat nanggaling ka na sa tita Carmela mo at hindi ka kamo pinautang." "Opo ma, pero nakahanap po ako ng trabaho sa isa sa mayaman kong kaibigan. Basta Ma, huwag kang mag-alala sa malinis na paraan ko kukunin ang pera. Promise ma.. Mamaya na lang tayo uli mag kwentuhan." "Sige nak bye! " "Ok po ma. Bye!" Binuksan ni Gaile, ang ref naghanap ng makakain may peanut butter at strawberry jam syang nakita. At taste na tinapay, kinuha nya ang mga eto mula sa ref.Hinanap nya ang toaster at inilagay duon ang dalawang pirasong tinapay. Hinanap naman nya ngayon ang kape at may nakita syang coffee machine at sinimulan nyang gumawa ng kape para sa kanya. Sanay naman syang gumamit ng coffee machine, dahil minsan na din syang nagtrabaho sa isang coffee shop. kinuha nya ang tinapay na taste or toast sa toaster at pinalamanan nya ng peanut butter at strawberry jam. Pagkatapos nyang gawin iyon ay Isa-isa nyang binuksan ang mga drawer sa kusina, Para hanapin ang cup or mug na magagamit nya para sa kanyang kape. Nakita naman nya eto kaya kinuha nya at nagsalin na ng kape. Maghahanap pa sana sya ng asukal ng marinig nya ang malakas na sigaw na pagtawag sa kanyang pangalan ni Kios. "GAILE..COME HERE?" Dali-dali naman syang pumaruon sa sala, dala dala ang kape at peanut jam sandwich nya. Pagdating sa sala ay may nakita syang isang gwapong lalaki at may dala dala etong suitcase. Inilapag mona ni Gaile ang kanyang dalang pagkain sa lamesa sa bandang gilid ng upuan nya. "Gaile sya si Atty. Allan Munez. sya ang hahawak ng ating agreements.." "Allan, sya si Gaile Degusman ang sinasabi ko sayo." "Okay. Nice to meet you Gaile." "Allan akin na ang mga Documents ng mapirmahan na." Inilabas na ni Atty. Allan ang mga Dokomento at ballpens.. Binigyan nya ang dalawa ng tig isang copy ng magiging kasunduan nilang dalawa. Pagkatapos ipaliwanag ng mabuti ni Atty. Allan, na legal na legal ang kanilang pagpapa kasal, At pumapayag silang dalawa na magdidivorce afte one year... At tatanggap ng 6millions si Gaile mula kay Kios sa pagpapanggap nito bilang kanyang fake wife. At kapag nilabag ni Gaile ang mga ibinigay na mga kondisyon ni Kios, sya ay may karapatan kunin ang lahat ng perang na-ipaunang bayad nya kasama ang interes. May nakabukod din na Dokomento para sa paunang bayad na 1million sa araw ding iyon. "Maliwanag ba sa inyong dalawa? pirmahan nyo na ng matapos na." ang sabi ni Atty. Allan. Agad naman tumalima ang dalawa kanya kanya silang pirma sa mga papel na nasa kamay nila. "Gaile may Bank account ka ba? akin na at esesend ko ang one million sa account mo." Ang sabi ni Att. Allan. "Oo meron sandali." Kinuha nya ang cellphone nya sa bulsa ng kanyang maong na shorts, at senearch ang details ng Bank account nya na nakasave sa kanyang phone. At pagkatapos ay inabot nya ang kanyang phone kay Atty. Allan, Para makopya ang detalye ng account nya. Kinuha naman ni Atty. Allan at kinopya pagkatapos ibinalik nya agad kay Gaile ang kanyang phone "Okay, check it after 5 to ten minutes." Ang wika ni Arty. Allan. At Isa Isa na nyang kinolekta ang lahat ng mga dokomento na napirmahan na ng dalawang panig at isinilid na ang mga iyon sa kanyang suitcase. Kunin ko mona eto dahil need ko ang copy. Ibabalik ko sin sa inyong dalawa ang original. So ngayon maiwan ko na kayo dahil aasikasuhin ko pa ang inyong kasal. Kios,alis na ako ." "Ok! Allan thank you!! Ang sabi ni Kios. Pagkatapos magpaalaman ang dalawa ibinalik nya ang atensyon nya kay Gaile. "Sa oras na matanggap mo ngayon Gaile ang one million, ikaw ay OFFICIALLY MY FAKE WIFE,. sya nga pala akin na ang number mo." "Opo Boss eto na po." "Huwag mo akong tawagin ng ganyan baka masanay ka. Paano tayo haharap kay grandma kong ganyan ang tawag mo sa akin." "Sige. Sya nga pala pwede ba malaman kong bakit kailangan mo ng fake wife... Seguro naman karapatan kong malaman para alam ko ang gagawin ko. Sino ang dapat iwasan at pakisamahan. Kong Ayaw mo lang naman na mabuko tayo agad. Kasi mahirap umarte ng walang sinusundang script gets mo ba ang ibig Kong sabihin Kios? " ......................................................... Thank you guys for reading my works!!! Please do a vote and any comments It's give me more encouragements to continue, ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD