TOO MUCH PAIN WILL KILL YOU

1761 Words
CHAPTER 20 Andito ka na naman hindi ba sinabi ko sayo,ayaw kitang makita at hindi ko kailangan yang mga dinadala mo dito sa bahay namin..... Palaging pumupunta si Dave sa bahay Nila Eve, at palaging may mga dala etong groceries Eve,sinasabi ko din sayo na hindi ako titigil hanggat hindi ka pumapayag na magpakasal ka sa akin,at walang masama Kong palagi akong nag pupunta dito sa bahay nyo, inaalala ko lang kayo ng anak ko.... At obligasyon ko iyon sa inyo Anong pinagsasabi mo Dyan..tulog ka pa ba ha? At nanaginip ka ng gising..WALANG TAYO at never na magiging Tayo! Sige na umalis ka na. Nagdelever mo na ang groceries mo.. Sige thank you makakaalis ka na Eve,mahal kita, Sana matutunan mo akong patawarin at tanggapin... Bagsak ang balikat na umalis ng pamamahay ni Eve si Dave, pero makikita parin sa kanyang mga Mata ang determinasyon na makuha si Eve.. Buweset na.. Napakakulit.. Sinabi ng huwag magpupunta dito panay naman ang Punta.. Kakagigil Eve, anak ano ba, tama na Yan, bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon ang ama ng magiging anak mo,kailangan nyan ng ama,sa tingin ko naman sincere at mabait si Dave, Kong ano man ang nagawa nyang mali sayo patawarin mo na alang alang dyan sa bata Pa, hindi namin sya kailangan ng anak ko, Kaya kong buhayin ang anak ko, at kelan man hindi ko mapapatawad ang lalaking sumira ng buhay ko ng kaligayahan ko Anak. Alam ko ang pinagdadaanan mo, pero subukan mong buksan ang puso mo nandyan na Yan wala na tayong magagawa pa Pa, Alam mong simula pagkabata ang gusto ko na talaga Ay si Leon At mahal na mahal ko sya,, Alam na Alam nyo ang mga pinag Daanan namin, limang taon na naging kami,,.. Paano ko sya makakalimutan ha, sabihin nyo.... At yang sinasabi mo malabong mangyari dahil hindi ganun kadaling turuan ang puso, na basta basta mo ibibigay sa ibang tao ng ganun ganun lang Lalo PA sa taong napakalaki ng ginawa ng kasalanan sa akin Lalo PA sa lalaking kinamumuhian ko ang demonyong iyon... , Kaya paano ko sya sisimulan mahalin paano PA? Anak, OK, kumalma ka Lang pagalingin mo mona ang puso mo, Alam ko balang araw maliliwanagan ka din.. Hay! Naku PA, sinasabi mo bang ako ang mali, ako pa ngayon ang hindi makaintindi, at Yong Dave na iyon ang tama.. Tama ba na ni Rape nya ako,, tama ba yon ha PA? Anak, sige na mali na si Papa magpakahinahon ka Lang,, ang sinasabi ko Lang naman ay nandyan na yan, Tapos na...May anak na kayo,, at mukha namang seryoso sayo si Dave hindi ka naman nya tinakbuhan at handa Karin nyang pakasalan,, at sa tingin ko din bilang lalaki talagang mahal ka nya, dahil Kong hindi, hindi yan magaaksaya ng panahon sayo, ang sinasabi ko Lang patawarin mo na,, move on na anak alang Alang sa magiging baby nyo ni Dave..para sa kinabukasan ng bata At Isa pa anak, hindi ka tunay na mahal ni Leon dahil Kong talagang mahal ka nya tatanggapin ka parin nya at ang anak mo.. Tatanggapin ka nya ng buo.. Magagawa nyang mahalin ang mga mahal mo, tatanggapin nya ang lahat lahat sayo,,, dahil tunay ka nyang minamahal.. Makinig ka sa akin anak at pagisipan ang sinabi Kong iyan Magulang mo ako,at eto din ang opinion ng mama mo... Tandaan mo anak mahal ka namin, gusto namin ng mama mo maging maayos ang buhay mo... Tama na anak.. Matuto Kang magpatawad Hindi nyo ako naiintindihan PA, mahal na mahal ko si Leon sya ang buhay ko, Hu! Hu! Hu!!! Naiyak na si Eve, at nagpaalam na aakyat na sa kanyang maliit na silid... At duon Malaya nyang pinatulo ang kanyang mga luha,,, ang sakit ng dibdib na halos namamaga na yata ...... Ma'am Gaile, nandirito si Ma'am Fiona... Ang natanggap nyang text mula Kay Anna... Nasa Campus sya sa mga oras na iyon Kinabahan sya, tapos na ba ang maliligayang araw nya sa piling ni Kios, ngayong nandirito na ang tunay na nagmamayari sa kanya Pagbalik nya sa klase hindi na nya maintindihan ang mga tinuturo ng kanilang proffesor, masyado ng abala ang kanyang imahinasyon Kong ano ano na ang tumatakbo duon Si Kios naman ay agad na umuwi ng bahay ng makatanggap ng tawag mula Kay Manang lucing na nagsasabing nasa bahay daw si Fiona,.. Kios,Hon I miss you! Ang patakbong salubong ni Eve Kay Kios ng makita eto Bakit ka nandito? Hindi bat Ako ang dapat na magtanong sayo. Bakit hindi mo na ako kinokontact anong nangyari sayo at iba na ang number mo Let's go to my room duon tayo magusap... Ang Sabi ni Kios Kay Fiona.... Si Gaile naman ay halos hilahin ang mga oras matapos lamang ang kanyang klase at nagmamadali syang umuwi ng bahay, pagkarating nya ng bahay ni Kios ay agad syang sinalubong ni Ana Ma'am Gaile nasa kwarto po sina Sir Kios at ma'am Fiona kanina pa sila duon hindi pa sila luma..... Hindi pa natatapos ni Ana ang kanyang Sasabihin ay tumakbo na si Gaile sa itaas ng bahay patungo sa silid ni Kios...... Sa pintuan Palang may naririnig na syang hindi kanais nais sa pandinig sa kanyang tenga, laking gulat nya ng pagbukas nya ng pinto ay makita nyang nakapatong si Eve Kay Kios parehas silang hubot hubad.... Nagulantang ang dalawa at tumingin sa kanya... At sya naman ay automatikong na paatras palabas ng silid ni Kios at bago sya tuluyang umalis ay nagawa PA nyang humingi ng sorry at isinarado ang pintuan Tulalang naglakad sa hallway pabalik ng kanyang silid si Gaile, saka lamang nagunahang magsipagbaksakan ang kanyang mga luha ng nasa loob na sya ng kanyang silid,, napasalampak sya sa sahig, nawalan ng lakas ang buo nyang katawan nanlambot ang kanyang mga tuhod Tila nawalan sya ng lakas na tumayo at umupo sa upuan o sa gilid ng kama.... Ang pakiramdam na parang ayaw mo ng mabuhay pa sa mundong ibabaw ang siyang nararamdaman ngayon ni Gaile Subrang sakit,!!! , napakasakit!!! Hu! Hu! Hu!!!! ang namutawi sa kanyang bibig na hinihimas himas pa ang kanyang dibdib.. At mapait na umiiyak Sinubukan nyang tumayo. Kailangan nya munang maglaho sa bahay na iyon hindi nya kakayaning humarap sa dalawa Bitbit ang kanyang bag na dala mula pa sa campus ay muli nya etong isinakbit sa kanyang balikat at nagmamadaling umalis.. Hindi na nya alintana ang pagtatanong ni Manang Lucing Kong saan sya pupunta,ng makita sya sa baba ng hagdan ,.... Dahil bingi sya sa mga oras na iyon at tanging layunin nya ay ang Makalayo Pinaandar nya ang kanyang kotse at tuluyang lumalayo sa bahay ni Kios, malabo man ang kanyang isip ay patuloy padin eto sa pagmamaneho na walang tiyak na destinasyon.. Hanggat may kalsada sige Lang ang maneho nya, hindi din nya Alam Kong gaano na katagal syang nagmamaneho at Saan na ba sya napunta.... Talaga namang pinaglalaruan sya ng tadhana dahil bumuhos ang malakas na ulan may kasama pang malalakas na kulog at pagkidlat Saka lamang sya nahimasmasan. Saka lamang nya napagtanto Kong nasaan na ba sya at pasaid na ang kanyang gasolina... Sinubukan parin nyang igilid ang kanyang sasakyan mahirap na dahil nasa gitna sya ng kalsada.. Mabuti na lang at nag kasya pa ang natitira nyang gasolina Para itabi eto Nakakatakot ang kidlat at pagkulog nasa loob sya ng sasakyan napakalakas ng hangin at ulan.. Nakita din nyang may mga sasakyan na itinabi din sa kalsada at saka Lang din nya napansin na Gabi na Pala..pagtingin nya sa timer ng kanyang sasakyan ay alas dyes na ng Gabi... Kinuha nya ang kanyang cellphone Ngunit minamalas talaga sya dahil lowbat na din eto.. Hinanap nya ang kanyang charger Ngunit hindi din nya eto makita.... Hanggang sa bumigay na sya malakas syang umiyak at napasabunot sa kanyang buhok Huhuhuhu!!!! BAKIT??? BAKIIT??? GUSTO KO NG MAMATAY!!!!! GUSTO KO NG MAMATAY!!!! Ang wala sa sariling isinisigaw ni Gaile... Samantala... Sa bahay ni Kios pasado alas dyes na ng madaling araw at ang ulan sa labas ay parang naglalaro bubuhos ng malakas at titila, maya maya ay muli na naman etong bubuhos parang wala din kapaguran malalakas PA ang mga kulog at pagkidlat Kanina pa hindi natutulog si Manang lucing nagaalala sya Kay Gaile Alam nyang wala eto sa sarili,, Alam nya na masama ang loob nito sa itsura at kilos nito kanina Hanggang napagpasyahan nyang puntahan si Sir Kios nya sa kanyang silid subra na talaga syang nagaalala Para dito.. Sinubukan nya etong tawagan pero cannot be reach... Knock! Knock!! Malalakas na katok ang ginawa ni Manang lucing wala syang pakialam Kong maisturbo ang dalawa Lalo na si Fiona.. Bat ba kasi bumalik balik PA etong babae na eto ang Sabi ni Manang lucing sa kanyang sarili Pupungas pungas naman na pinagbuksan ni Kios si Manang lucing.. Naka shorts Lang eto at walang damit pangitaas Bakit? po manang lucing anong oras na may kailangan po ba kayo? Ang tanong ni Kios na nagtataka Kay manang lucing Pupungas pungas PA eto ng mata Sir Kios, pasensya na kayo at naabala ko kayo sa mga oras na eto.. Kasi.. Kasi.. Kasi Ano po Manang lucing? Kasi si Gaile hindi ko makontact kanina pa umalis iyon Pagkagaling dito.. Kinakabahan kasi ako hanggang ngayon hindi pa umuuwi.. Tumatawag naman yon sa akin kapag uuwi sya sa kanila at sumasagot naman sya sa mga text ko pero.. Ngayon hindi e Nagaalala ako Sir Kios baka napapano na si Ma'am Gaile.... Ang Sabi ni Manang lucing na agad naman na kumilos si Kios Kinuha ang kanyang personal computer at sinubukan nyang e trace ang sasakyan ni Gaile, dahil nga may nakakabit na tracking device sa sasakyan nito Laking gulat nya ng makitang nasa Zambales eto at hindi gumagalaw.. Ibig sabihin nakahinto Lang........kinuha nya ang kanyang cellphone at sinubukan tawagan eto. Kagaya nga ng sinabi ni Manang lucing cannot be reach eto.. Agad na tumayo si Kios at nagbihis, kinuha ang kanyang susi at bago Maka alis sa kanyang kwarto ay... KIOS saan ka pupunta ang Sabi ni Fiona.. Hindi naman eto pinansin ni Kios at nagmamadali ng lumabas ng kwarto at bumaba ng bahay Para tunguhin ang kanyang sasakyan.. Halos paliparan ni Kios ang kanyang sasakyan makarating lang agad sa kinaroroonan ni Gaile... Sinagasa nya ang malakas na bugso ng ulan at ang baha.,kailangan nyang makapunta agad sa kinaroroonan ni Gaile (Authors mind) Hay naku Kios, Ano ba talaga ha? Nakakagigil ka na? Sarap mong putulan? ............................................................ Thank you guys for reading my works!!! Please do a vote and comments It's give me more encouragements to continue?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD