Kabanata 11 Gatas Nagising ako sa mararahan at mainit na labing humahalik sa pisnge ko. Sa pagmulat ng mata, ang magandang mukha ni Gavino ang bumungad sa akin. Napangiti ako ng makita ang mata niyang mapupungay. He continue planted a kiss in my cheeks. Napangiti lang ako sa ginagawa niya. Pagkatapos niyang halik-halikan ang pisnge ko, isang malalim na halik ang ginawad niya sa labi ko at ngumiti sa akin. "Let's wake up. May pasok pa tayo, but of course we have to take our breakfast." He said gently. Tumango ako at ngumiti. Nauna siyang tumayo at pumasok sa banyo kaya umupo nalang muna ako at hinintay ang paggamit niya sa banyo. Habang naghihintay sa paglabas niya, nakuha ang atensyon ko ng cabinet. Napatayo ako at tinignan ito ng malapitan. Namamangha ako sa laki niyon. Kasya talaga

