Astrid's POV Napabuntong hininga ako ng sa wakas ay nakalapit na sa akin si Zayne, ngiting ngiti siya sa akin ngayon. "Finally, you're here.." Umupo naman ako sa kaharap niyang upuan. "Anong gusto mong orderin?" Tanong niya pa sa akin habang hawak niya ang menu, hays! paano ko ba to sisimulan? "Ah, kung anong gusto mo Zayne, yun nalang din sa akin.." Tumango naman siya, nang matapos siyang mag order ay tumigin na ulit siya sa akin. "What's wrong, Astrid? may problema ba?.." Malumanay niyang tanong, he looks so worried, andali niyang mag alala sa akin, lalo na yung nagkasakit ako kita ko talaga ang pag aalala sa akin ng mga oras na yun. Napaduko na ako dahil parang hindi ko ata kayang saktan si Zayne, sobrang bait niya napaka soft spoken kapag kausap mo siya, kung tutuusin nasa

