Astrid's POV Pero sabi nga nila hindi sa lahat ng oras ay magigig masaya ka, Hindi sa lahat ng oras ay para sa inyung dalawa. BUSY ang lahat dahil darating na nga ang parents ni carson, wala itong ka alam alam dahil gustong surpresahin ito ng mga magulang niya. Ito ako at tumutulong din sa ginagawa nila pilar, nagluluti kami ng dinner at ngayong gabi nga ang dating nila. "Uy.." Bigla naman akong napatingin kay pilar na marahan akong siniko. "Alam kong hindi ka ok, kaya hindi ako magtatanong.." Sabi pa nito kaya bahagya akong natawa, pilit ang ngiti ko na pinakita sa kanya. Nagpa tuloy lang ako sa ginagawa kong pag hiwa ng mga gulay na e hahalo na sa niluluto ni pilar. "Ok lang ako, kaya wag mo na akong alalahanin pa.." Sabi ko pa, pero alam ko naman na hindi siya kumbensido sa si

