Astrid's POV Napamulat ako ng aking mga mata, ramdam ko ang bigat sa aking tiyan, at nang mapatingin ako roon ay nakapulupot ang braso ni Carson sa aking bewang. Marahan akong nagbaling ng tingin sa kanya at nasilayan ko nga ang gwapo niyang mukha na nakadikit pa ang labi niya sa balikat ko, mahimbing ang kanyang tulog at maaliwalas ang kanyang mukha kahit nakapikit. Napalunok ako ng maalala ang nangyari sa amin ka gabi, ang akala ko ay tama na iyong nangyari sa amin sa mini bar niya pero dinala niya ako dito sa kanyang kwarto at inangkin ng paulit ulit. At hindi ko na nagawang umayaw pa dahil matagal din naman akong nangulila sa kanya, kahit pa wala na siyang nararamdaman sa akin ay tanggap ko na iyon. Magiging sapat nalang ito sa akin, at isa pa kasunduan lang namin itong dalawa par

