Astrid's POV "Malapit na yung birthday mo, ano ganap natin beh?" Tanong sa akin ni shantal na ngayon ay prenting naka higa sa kama ko, dahil wala daw siyang magawa sa bahay nila ay pumunta na lamang siya rito. Ako naman ay may tatrabahu in pa at dahil nga andito siya ay nagpahinga ako sandali. Napatingin naman ako sa kanya, naka upo lang ako sa pang isahan kong sofa dito sa loob ng kwarto ko. "Di ko alam, kahit di na mag celebrate ok lang sa akin." Casual kong sabi, totoo naman kahit wala na ok lang kasi di naman ako sanay na mag celebrate. Wala na din si Don rigor kaya nakakalungkot lang, noon kasi siya pa mismo naghahanda sa birthday ko at magugulat nalang ako na may inihanda pala siya. At palagi akong nasusurprise, siya lang at itong si shantal lang ang nakaka alala sa birthday

