KABANATA 2: Cold!

1214 Words
Astra's POV "Hoy astrid gising!" nabalik ako sa realidad ng pitikin ako ng marahan ni Inday pilar isa sa mga kasambahay dito sa mansyon, pero mas bata ito sa akin ng tatlong taon at nag aaral pa. "Ano na naman iniisip mo?" inirapan ko siya. "Sabi ng tawagin mo akong ate eh.." pinitik ko din siya sa noo ng mahina. napabusangot naman siya sa ginawa ko. "Eh ang panget nga diba kasi mas matanda pa yung mukha ko sayo, ako nalang tawagin mong ate.." tapos sabay tawa nito, natawa na tuloy ako. Andito kami ngayon sa kusina, hinihintay ko din ang pagkain ng amo naming arogante at masama ang ugali, siya na ata ang lalaking nakita ko na napaka cold mas cold pa sa freezer. Tsss Dadalhin ko kasi sa kwarto ngayon ang pagkain niya dahil galing pa siyang work at kakauwi lang, pagod daw ang ferson. Simula ng mawala si Don Rigor dalawang taon na ang nakalipas, maraming nagbago dito sa mansyon, pero andito parin naman lahat ng mga katulong na nagsisilbi kay Don rigor, kasi bago siya mawala sa sakit nitong cancer ay ibinilin niya lahat sa amin na alagaan ang kanyang mansyon lalo na ang nag iisang apo nito na si Carson Hendrix, ito rin ang nag mana sa lahat ng mga ari arian niya, kaya sa edad na 27 years old ay isa na itong multi billionaire. Nalulungkot parin ako sa pagka wala ni Don Rigor kahit dalawang taon na ang nakalipas, napakalaki ng utang na loob ko sa kanya, kung hindi niya ako inampon ay habang buhay nalang akong pariwara at sa kalye nakatira at wala pang kasiguraduhan ang buhay ko doon dahil maraming masasamang loob, pinag aral ako ni dun rigor hanggang sa nakapag tapos ako ng Culinary, lahat ng pangangailangan ko ay ibinigay niya, para ko na rin siyang tunay na ama, kaya nung nawala siya ay grabe ang pag iyak ko noon na nag kulong pa ako ng kwarto ng ilang linggo. At dahil sa kabutihan na ginawa sa akin ni Don Rigor ng makapag tapos ako ng pag aaral, ay sinabi ko sa kanya na mag tatrabaho ako rito bilang kasambahay kahit walang sahod ay ok lang sa akin, kumpara sa ginawa niyang kabutihan sa akin hindi masusuklian iyon, kahit labag iyon sa loob niya na mag trabaho ako at mag silbi dito sa mansyon ay ginawa ko parin dahil yun nalang ang magagawa ko para sa kanya. Habang buhay ko iyon tatanawin sa kanya. "Ready na ang pagkain ni Sir Carson, dalhin mo na doon Astrid sa kanya.." kinuha ko naman iyon at umakyat na sa ikalawang palapag ng mansyon, hanggang sa nakarating na ako at agad na kumatok sa pinto nito. "Sir Carson, andito na po ang pagkain niyo.." kahit labag sa loob kong tawagin siyang sir ay ginagawa ko parin dahil sesermonan niya na naman ako, madali pa naman akong mairita sa kanya. "Come in.." binuksan ko na ang pinto at pumasok na, agad ko namang naamoy ang shower gel niya sa buong kwarto. At nakita ko nga siyang lumabas ng kanyang banyo habang pinupunasan ang kanyang basang buhok, naka topless lang siya at tanging tuwalya lang ang naka takip sa pang ibaba niya. Di naman ma e dedeny na sobrang gwapo ng lalaking to, halos perpekto na ang kabuohan nito, sa mukha sa katawan na matipuno at matangkad din ito, talagang masasabi mo na makalaglag panga kapag nakita mo ito. Kaya nga maraming babae ang nahuhumaling dito eh. "Are you done checking on me?" Nakita ko ang pagsilay ng nakakaloko niyang ngiti. napa ismid ako, ang feeling naman nito! "O tapos?" tumaas ang kilay niya at tiningnan ako ng masama. "Kainin mo na yang pagkain mo SIR.." Mas diniinan ko ang pag tawag sa kanya ng sir. Inirapan ko siya at naglakad na paalis ng kwarto pero tumigil ako at lumingon sa kanya. "What?" Masungit pa nitong tanong. "Mag sabi ka lang sa intercom na tapos kanang kumain para makuha ko yang pinag kainan mo, k bye.." at agad na akong lumabas ng kwarto. Kung ang halos lahat ng babae nahuhumaling sa kanya, pwes wag ako kasi ako ang unang taong nakakakilala sa pag uugali niyang mapait at di makain. Simula ng tumuntong ako dito sa mansyon ay naging mesirable ang buhay ko pagdating sa kanya, kapag wala si Don rigor ay pinapahirapan ako ng lalaking yun, at kapag dumating naman si Don rigor ay nagiging maamo ang lalaking yun. ka gaya nalang nung nasa 15 years old ako may iniutos siya sa akin at pag pasok ko sa kwarto niya ay may bumagsak sa ulo ko at isa pala iyong bag ng harina, tuloy puno ako ng harina sa katawan ko, halos nakain ko pa ang iba nun. Grabe talaga ang galit ko nun sa kanya, tinawanan niya lang ako ng wagas nun at pagkatapos ay inutusan akong linisin yung nag kalat na harina. O diba? napakasama niya! at isa lang yung sa mga pagpapahirap niya sa akin dito sa mansyon, natigil nga ito simula ng mawala si Don Rigor at ng mas nag matured na kami, pero may mga times parin naman na pinagtitripan niya ako, kapag bored siya at walang magawa sa buhay niya, halos panay utos din kahit meron namang ibang katulong pero ako palagi yung nakikita niyang utusan. NANG matapos ako sa gawain ko ay agad na akong umakyat sa itaas at ng malalagpasan ko na ang kwarto ni Carson ay bukas ito ng kaunti, isang kwarto lang kasi ang pagitan ng kwarto namin kay magkalapit lang talaga. Di ko tuloy maiwasang sumilip. 'Ano na naman kaya ang ginagawa niya?' Ipinikit ko ang isang mata ko para mas makita ko ang nasa loob, para tuloy akong manyak na naninilip ngayon, tsss. Pero bigla nalang bumukas ang pinto at matutumba na nga ako ng maramdaman ko ang isang kamay na pumulupot sa bewang ko. "Naninilip ka sa akin, Astrid?" Agad akong napatingin sa kanya at umalis sa pagkaka hawak niya sa akin. tumindig ako ng matuwid at tiningnan siya, nakataas ang kilay nito at ngumisi ng nakakaloko. "Bakit naman ako maninilip sayo? bakit may masisilip ba sayo---" agad kong tinikom ang bibig ko ng ma realize ko ang sinabi ko. Patay, lagot! Mas lumaki ang ngisi niya. "Ah ganun.." tumalikod na ako pero mabilis siya at agad na hinila ako, kinulong niya ako sa bisig niya habang ako naman ay nag pupumiglas. "Ipapakita ko sayo ang parte na hindi mo pa nasisilip sa akin.." "No! bitawan mo ako! ayoko! aaahhh!" Nagpupumiglas ako habang ipinipikit ko ang mga mata ko dahil alam ko ang ibig niyang sabihin. "Here, buksan mo ang mga mata astrid ng makita mo ang sandata ko.." naririnig ko pa ang halakhak niya. "Waaag! ayoko!!!" pilit niya akong pinapaharap sa kanya pero nanatili parin akong nakapikit. wala na akong ibang maisip kundi ang apakan ang paa niya, kung sa bayag ko siya tatadjakan eh baka mas lalong magalit sa akin. Buong pwersa ko siyang sinipa sa paa kaya na bitawan niya ako. "Aaaaaahhhh! f*ck!! ansakit!!!" Agad akong lumabas ng kwarto niya, at tumakbo papuntang kwarto ko, agad ko itong ni lock. Napahinga ako ng malalim, pero rinig ko parin ang pag mumura niya. "ASTRIIDD!! YOU WILL PAY FOR THISS!!!!" Umalingawngaw ang sigaw nito sa mansyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD