Astrid's POV Nagising ako dahil sa ingay, parang may nag aaway na naman. At nang mapagtanto ko at makilala ang boses ng mga taong iyon ay napatakip ako sa unan ko, pero may dumagdag na isang boses at walang iba kundi si shantal. "Ano ba tumigil nga kayo! kahit ngayon lang wag kayong mag bangayan! baka magising si Astrid eh.." Sabi ni shantal na may pag pipigil sa boses pero akala niya naman na nakatulong yun eh anlakas parin ng boses niya. "This fcker! sinabi ko ng hindi magugustuhan yan ni Astrid!" Rinig ko namang sabat ni carson, at sa tono nito ay sobrang napipikon na ito. "Talaga ba?! e anong gusto niya yan? gumamela? fck! napulot mo lang yan sa tabi tabi eh!" Si Zayne na lumakas na din ang boses at halatang natatawa kay carson. Goodness! ano bang problema nila? para talaga si

