Agad na nakahanap si Ruby ng pwestong mapag-uupuan nila ni Rian upang makapanood ng laban ng kaibigan nilang si Luis, kaya dumiretso agad sila roon at hinanap na ang screen kung saan naroroon nakalagay ang kasalukuyang nangyayari sa Elimination ng lalaking estudyante. “Hindi pa rin pala sila nagsisimula, parang ang tagal ko nakapunta sa lugar niyo ni Ymir ha? Bakit hanggang ngayon, nakatayo pa rin lang si Luis doon?” pagtatakang tanong ni Ruby kay Rian, iniisip nitong wala lang siyang alam sa totoong nagaganap kapag mayroong Elimination kaya niya napagpasyahang magtanong na lamang. “Ah, hindi mo pa nga pala alam ang tungkol d’yan…” pabitin na ani Rian, tinignan niya muna panandalian si Ruby bago siya nagpatuloy sa kanyang pagsasalita. “Ang oras ay bumabagal tuwing nasa loob tayo ng Elimin

