Hindi pa man nakakapagpaalam sa isa’t isa ang magkakaibigan ay bigla na lamang silang hinatak ng lupa pailalim. Naglikha iyon ng sapat na butas upang sila ay magkasya tsaka ito bumalik sa dati nitong anyo nang mahulog na sila roon. Napakadilim kaya’t kahit anong pilit nila na may makita ay sadyang wala silang makita dahil nga sa lupa lang sila dumaraan. Nagkahiwa-hiwalay na sila noong dumating na sa gitna ang kanilang paglalakbay sa ilalim. Makalipas ang ilang minuto ay nauna na rin bumagsak si Ruby at panibagong tanawin ang kanyang namataan. Isang maliit na silid ang nakapwesto sa gitna ng madilim na lugar na iyon. Ilang sandali lang ang nakalipas ay mayroong sumindi sa paligid ng iisang silid na iyon na mga kandila na siyang nagbigay liwanag. "So it's really you after all. Akala ko pa n

