Ang biglaang pag-ihip ng hangin sa kinaroroonan ni Sam ay mistula ba’y isang kutsilyo na siyang humiwa ng diretso sa leeg ng babaeng iyon. “Pa...tawad…” pinilit na lamang niya ang kanyang sarili na makapagsalita kahit pa hindi naman iyon ang kagustuhan ni Luis na mangyari. Unti-unting bumagsak ang katawan ni Sam sa lapag at nawawalan na ng bisa ang kanyang kapangyarihan na pagpapabagal sa oras. Ilang segundo na lamang ang natitira sa buhay ni Sam at wala na siyang pwedeng aksayahin pa, kaya, bagamat huling pagkakataon na niya iyon ay sinubukan pa rin niyang gamitin ang natitirang lakas niya para ipamalas ang huling abilidad niya. “H’wag mo nang pilitin pa, Sam…” nag-aalalang sambit ni Luis at lalapit na sana siya rito ngunit tinaas ni Sam ang kanyang kaliwang kamay, hudyat na ‘wag siyang

