Sa sobrang lakas ng pwersa ng pagsuntok ni Andy kay Ruby ay halos sumuka na ang babae ng kanyang sariling dugo. "Ignition!" Imbis na dumaing si Ruby sa sakit na nadarama niya dulot ng ginawa sa kanya ni Andy ay nag-isip na lamang siya ng imahe ng apoy. "Flame Arrow! Pierce through the enemy!" Utos ni Ruby sa apoy at kahit pa hindi niya nakikita si Andy ay tila ba'y alam ng apoy niya kung nasaan naroroon ang lalaki. Paliko-liko ng direksyon ang apoy at para bang mayroon itong hinahabol. At hindi nga nagkamali si Ruby ng iniisip nang makita niya na ang sinasabi ni Andy na marka. Masyadong nakapagpahalata ang marka niya kung saan siya matutunton dahil kulay asul ito na ginuguhit ang bawat korte ng buo niyang katawan, mula ulo hanggang sa paa. Kasingtulad na si Andy ngayon ng isang anino dahi

