Binigyan ni Ruby ng isang nakatatakang tingin si Sammuel direkta sa kanyang mga mata. Maya-maya pa ay bigla na lang din tumibok ang kanyang mga mata at muling lumitaw sa isipan niya ang alaala niya kasama si Sammuel sa isang paaralan, hindi pa rin naman ito nagiging malinaw at katulad kanina ay sobrang labo pa rin nito para malaman kung sila nga ba talaga iyong magkasama. Pero, hindi rin makilala ni Ruby kung si Sammuel ba talaga ang lalaki dahil sa anyo niya ngayon bilang isang higanteng nilalang. Sumakit pa nang sumakit ang ulo ni Ruby hanggang sa hindi na niya ito matiis. “Arghhh!! Flame Arrow!” sambit niya para sa ikalawa niyang natutunang kapangyarihan. “Ruby!!” sinigaw ni Rian ang pangalan ng kanyang kaibigan sa pag-aakala na sa sarili nito ginamit ang apoy na nasa kamay niya. Tila

