“Hmm… So, ikaw pala ang makakalaban ko,” nakangising sabi ng isang lalaki na siyang nakabangga sa dinaraanan ni Luis. “Mukhang karapat-dapat kitang makalaban, bibihira lang… Kung tutuusin ay halos wala nga ang nakakatagpo sa tunay na katawan ko,” dugtong na sabi pa nito at doon lang nagsimulang lumitaw ang totoong anyo niya nang maglaho na paunti-unti ang aninong bumabalot sa kanyang katawan. “Kailangan ba talagang pahirapan mo muna ako bago ka magpakita sa akin?” Walang ganang tanong ni Luis sa lalaki at bigla na lang itong humalakhak na siyang hindi inaasahan ni Luis, dahil ang buong akala nito ay napakasama ng gumagawa niyon sa kanila, kaya’t naisip niyang magiging mahirap ang oras ng kanilang pag-uusap. “Kaya mo naman pala tumawa at mukhang magaan ka rin naman kasama. Bakit mo pa gina

