Mula sa kamay ng lalaking iyon na nagsasabing magkakilala sila ni Lian ay lumabas ang isang salamin sa mata. Simple lang ito at mukhang walang kung anong kapangyarihan na nakapaloob doon. Binibigay niya iyon kay Lian pero pilit nitong tinatanggihan ang bagay na iyon kaya’t nagsimula na muling humakbang ang lalaki palapit sa kanya. “Wala namang mangyayaring masama sa iyo kung susuotin mo ito, hindi ko lang sigurado kung kakayanin ng isipan mo lalo na kung mahina pa ang kalooban mo,” sabi niya kay Lian na para bang kinokonsensya niya ito, nakahawak siya sa kanyang bewang upang ipahiwatig na naiinip na siya sa usapan. “Ayaw mo ba talagang matandaan ang nangyari noon sa buhay mo hanggang sa makilala mo ako? Talaga bang hindi mo hinihiling na sana ay makaalala ka na muli sa mga memoryang binura

