AGATHA'S POV Hindi ko na alam kung paanong nakarating sa may pintuan ng bahay ni Kean. Nagdere-deretso lang ako papasok sa bahay niya at umakyat sa opisina niya. Malakas kong binuksan ang pinto ng opisina at bumungad sa akin si Kean na abala pa rin sa mga ginagawa niya. Nang makita niya ako ay bahagya pa siyang nagulat. Pero nang mapagtanto niya kung anong itsura ko ngayon ay agad siyang lumapit sa akin. "What happened Babe? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim bago tumingin ng deretso sa kaniya. "Totoo ba?" Kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko. "Alin Babe?" "Buntis si Crista at ikaw ang ama." That is not a question but rather a statement. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat at pagka-guilty. So alam na niya at totoo ang lahat ng si

