AGATHA'S POV "Popo, come here." Mabilis na lumapit sa akin si Popo nang tawagin ko siya. Nasa tabing dagat kaming dalawa habang nag-aabang ng sunrise. Linggo na ngayon at schedule na ni Popo sa vet. Hindi ko lang alam kung anong oras kami pupunta ni Kean. Marami kasi silang guest simula pa kagabi dahil weekend. Pero hindi ko pa siya nakikita so baka tulog pa rin siya hanggang ngayon. Napangiti na lang ako dahil sa pagtakbo ni Popo sa buhanginan. Lumulubog kasi ang paa niya sa pinong buhangin kaya madalas siyang matumba. Mukhang nag-eenjoy naman siya na magpatakbo-takbo kaya hinayaan ko na lang muna siya. Hindi naman kasi siya masyadong lumalayo sa akin. Naupo na muna ako sa buhangin at pinagmasdan ang malawak na karagatan. Naputol lang ang malalim kong pag-iisip nang biglang tumakbo ng

