AGATHA'S POV Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay agad akong niyaya ni Kean na magpahinga muna sa kwarto. Pumayag naman ako dahil masyado rin akong nabusog, at isa pa ay mainit pa sa labas. Nang makarating kami sa may pinto ng kwarto ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Hindi ko napigilan ang silipin kung sino ang tumatawag. It's Crista. "Sagutin mo na 'yan Babe," seryoso kong sabi. Tumingin naman siya sa akin at sa halip na sundin ang sinabi ko ay pinatay niya ang phone niya. Gustuhin ko mang mag-react ngunit usapan namin na hindi namin pag-uusapan o babanggitin man lang ang pangalan ni Crista. Binuksan na ni Kean ang pinto ng kwarto at tahimik kaming pumasok doon. Nang isara niya ito ay mabilis niya akong hinawakan sa balikat ko. "Kailangan nating maligo dahil malagkit ang

