Xia Rose Iy Monticello POV Napabuntong hininga ako ng mapatingin ako sa cellphone ko na tunog ng tunog hanggang ngayon. Nandito kami sa labas kasama ko si Karson para sa date naming tatlo ng anak ko. “Babe?" Napatingin ako kay Karson ng tawagin niya ako. “Hindi mo ba sasagutin ang tumatawag sayo?" Aniya saka tumingin sa cellphone na nasa gilid ng mesa. “Excuse me, sasagutin ko lang to." Paalam ko sa kanila ni Kyrie at lumabas na muna saglit sa restaurant kung saan kami kumain. " What do you need?" Agad na tanong ko. “Xia–" paos na saad niya. “What?" Seryosong tanong ko uli sa kanya. “Can I talk to you?” Alanganin na tanong niya. “Ano ba ang dapat natin pag usapan natin sir? Saka nag uusap na po tayo ngayon." Saad ko. Mula kasi ng umalis ako sa kumpanya niya ay umuwi na lang ako a

