“Bakit pumapayag ka na pumasok ang babaeng yun dito?” inis na tanong ko kay Justin ng maka pasok na kani sa loob ng bahay. Hindi ko lang kasi matanggal ang inis ko dahil ang aga aga pa ay ganun agad ang sinalubong sa amin ni Eunice. “I’m sorry hon, hindi ko rin alam na pupunta siya dito. Pero wag kang mag alala dahil ipapa banned ko siya dito sa subdivision para hindi na siya makapasok pa rito at para na rin sa kaligtasan ng anak natin.” Aniya na lumapit at yumakap sa akin. Bumuga ako naman ako ng hangin at gumanti sa yakap niya. “Paano kung totohanin niya ang banta niya sa mga bata?ano ang gagawin natin?” Tanong ko sa kanya. Kahit kasi sinabi ko kanina kay Eunice pero ang totoo natatakot ako sa gagawin niya sa mga bata lalo na at sa mga kwento sa akin ni Justin na kung anong kaya niyang

