"Justin--" sambit ko sabay tulak sa kanya. "Xi?" nalilitong tanong niya pero nag iwas lang ako ng tingin sa kanya. Kagat ang ibabang labi at muli akong tumingin sa kanya at sa basang labi niya niya. “I'm sorry na bigla–” hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng ako na mismo ang humawak sa leeg niya at humalik sa labi niya. I know na malaking pagkakamali ang gagawin ko dahil hanggang ngayon ay kami pa rin ni Karson, pero pwede ba na kahit ngayon lang ay sundin ko muna kung ano ang sinasabi at binubulong ng puso ko? Kahit ngayon lang pwede ba naging makasalanan muna ako? Saka ko na siguro iisipin ang consequence ko pagkatapos nito. Sa una ay tila na bigla pa si Justin dahil nagulat ito sa ginawa kong pag halik sa kanya pero ng makabawi siya ay agad niya akong binuhat at pinaupo sa mesa

