JUSTIN MONTICELLO POV Continuation of flashback “Nasabi mo na ba sa asawa mo ang tungkol sa atin na dalawa?” Tanong sa akin ni Eunice ng pumunta siya sa opisina. Kahit anong iwas ko sa kanya ay lagi pa rin ako nitong kinukulit. " Alam mo ang sagot ko diyan Eunice, hindi ganun kadali na hiwalayan ang asawa ko. Isa pa hindi ko kaya na makipag hiwalay sa kanya.” Seryoso ang mukha na sabi ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko sa kanya. Daig pa niya si Xia kung maka bantay sa akin. “Talaga ba? Anyway may pinasang video sa akin si kuya gusto mo bang makita?" Nakangisi na saad niya sabay lapit sa akin at pinakita ang video sa cellphone niya. " Hindi ba ang cute niya? Ang ganda ring bata, hmm parang siya ang balak unahin ni kuya, tignan mo siya ang saya niya habang nakikipaglaro sa

