Hindi na ako pumasok sa opisina ng araw na iyon at hinatid na lang namin ni Kyrie si Karson sa airport. Nung una nahirapan pa ako aluin si Kyrie dahil iyak ito ng iyak at gustong sumama Karson pabalik ng Davao, buti na lang at kinausap ito ng mabuti ni Karson at sinabing babalik agad dito sa maynila. Alam ko na mahal na mahal ni Kyrie si Karson dahil ito na ang na kilala niyang daddy kahit alam niya na hindi ito ang totoo niyang ama. “Bye dad, bumalik po kayo kaagad para magkakasama na tayo ni mommy. I will miss you daddy so come back soon.” Umiiyak pa rin na sabi ni Kyrie kay Karson. “I will be back soon, son. So you don't need to cry. Ano ang sabi ni daddy? Hindi ba sinabi ko bakla lang ang umiiyak. Gusto mo ba na tuksuhin ka ng mga kaibigan mo kapag mo na bakla kapag nalaman nila n

