Niluwagan ng detective ang suot nitong kurbata pagkababa niya ng gusali. Kaagad siyang nilapitan ng Medical team at inasikaso dahil sa sugat nito sa dibdib, dinala ito sa isang ambulansya at pinaupo sa isa sa mga hospital bed doon. "Kelangan niyo pong maoperahan sa lalong madaling panahon detective--" - naputol ang pagsasalita ng babaeng nurse nang itaas ng detective ang kaniyang kamay. "No need I'm fine, daplis lamang 'yan dahil nakailag naman ako kaagad, pigilan mo na lamang ang pagdurugo." Turan ng detective kung kaya't kahit naiilang ay sinunod na lamang siya ng babaeng nurse na linisan ang sugat nito. Dumating ang lalaking kasamahan ng detective at inabutan ito ng paper cup na may lamang mainit na kape. "Congratulations detective! Isang big break itong nagawa mo. Sigurado akong

