Third Person's Normal na naglakad ang hindi kilalang lalaki palabas ng airport tsaka pumara ng naka hintong taxi sa tabi. Pinasok nito ang kaniyang malaking maleta at mahabang attachi case sa compartment ng sasakyan tsaka sumakay. Umandar ang taxi cab matapos sabihin ng hindi kilalang lalaki ang kaniyang paroroonan. Habang nasa kalagitnaan ng biyahe, tahimik lamang na nakaupo ang hindi matukoy na lalaki ng bigla na lamang nag pagewang gewang ang taxi cab na kaniyang sinasakyan, hanggang sa tumama nalang ito sa isang poste sa daan. Naumpog ang ulo nito ng pagkalakas-lakas at walang malay na tumunghaw sa labas para malaman kong ano nga ba ang nangyari. Wala ng gaanong nadaan na sasakyan sa kalsada dahil narin pasado alas dos na ng hating gabi. Medyo nahihilo itong lumabas ng sasakyan at t

