Bloody Evening Third Person's Pasado alas-otso ng magsimulang magsidatingan ang mga bigating imbitado para sa naturang pagtitipon na isinagawa para sa isang kilalang babae. Lahat ay nakasuot ng napaka enggrandeng kasuotan na kung titignan palamang ay siyang milyon na ang halaga. Sa isang napakalaking pintuan na mayroong pula at mahabang tela ang nakalatag, pumapasok doon ang bawat pares na tao na mayroong ngiti sa labi. Pribado ang naturang pagtitipon kung kaya't mahigpit na ipinagbabawal ang mediya, maging ang pagkuha ng larawan sa lugar. Pasado alas-diyes ng gabi ng masiguro ng organizer ng event na kompleto na ang lahat ng imbitado. Sumara ang malaking pinto at nawala lahat ng security personnel na nagbabantay sa buong lugar, tanging ang mga imbitado lamang ang natira, na siyang na

