Jun Matsumoto “Aww!” Goddammit! Bakit sa dinami-daming parte dito pa ako tinamaan. Hindi pa nga magaling ang sugat ko rito dahil sa tama ng bala nung nakaraang buwan, tapos eto at nabato ako ng dagger sa mismong tahi ko pa? Malas! “Ang sakit ng ulo ko!” - Daing ni Jesser na medyo nahihilo pang bumangon. Natuwa kami ni bossing ng malamang ligtas ang mokong na ito. Nakita siya ng mga tauhan namin na nakabulagta sa control room, namumula rin ang batok nito kaya ang tingin namin ay may nagpatulog sa kaniya which is tama nung kinonfirm niya sa amin pagkagising niya. “Hindi mo ba talaga namukhaan yung nagpatulog sayo? Sigurado akong kasamahan yun nung lalaking sumira sa transaction natin.” - Bossing “Hindi boss e, pasensya na. Basta nagulat nalang ako ng may malakas na tumama sa batok at s

