Nakapiit si Demetria sampu ng kanyang kasamahan sa pinakabasement ng mansyon ni Claudius. Hindi niya lubos maisip na magagawang pagbintangan sila ng kanilang pinuno sa kasalanang hindi naman nila ginawa at ipinapiit pa silang lahat sa selda sa loob ng basement. Nababalutan ng mga orasyon at dasal ang kulungan na pumipigil sa pagpapapalit ng anyo ng mga bampirang Sangreng kinabibillangan ni Demetria. Pinipigilan din ng orasyon ang paggamit ng kanilang mga kakayahan o kapangyarihan. Marahil ay dinasalan iyon ng mga Buruka o Bruha na na may kakayahang pigilan ang kapangyarihan ng isang nilalang. Makulimlim sa loob ng selda. Tanging mga ilaw na nagmumula lamang sa mga sulo na gawa sa mga kawayan ang nagbibigay ng mapanglaw na liwanag sa loob. Maalinsangan ang paligid at walang sariwan

