"Eeehhh!!!" ang napakalakas na sigaw na bumungad kay Randy pagkabukas niya ng Pinto. "Aaahhh!!!" ang malakas din niyang sigaw dahil na rin sa pagkabigla sa babaeng nagsisisigaw sa kanyang harapan. "Lumayo ka! Lumayo kang demonyo ka!" sigaw ni Calisha at sabay hagis kay Randy lahat ng mahawakan nitong bagay sa loob ng kwarto. "Teka! Teka!" ang pag-ilag ni Randy sa mga bagay na ibinabato sa kanya ng babaeng hindi niya kilala. Mabilis namang napasugod mula sa kusina si Laurea para tingnan ang nangyayaring sigawan at mga kalabog na nangyayari sa loob ng silid. Nakita niyang abala sa pagdampot ng mga kagamitan si Calisha at ibinabato ang mga ito kay Randy na mabilis namang ito pinangingilagan. Kaagad siyang lumapit sa mga ito at ikinumpas ang kanyang kamay sa dalaw

