Ilang araw na rin ang nakakaraan simula ng gumising si Alex sa kanyang pagkakatulog dahil sa mga natamong pinsala sa aksidente. Bawat araw na dumaraan ay lalo siyang hindi mapalagay sa pag-aalala sa kanyang mag-ina. Bukas ay sisiguraduhin niyang makakauwi na siya sa Pampanga. Lumakas na rin ang kanyang katawan at halos patuyo na rin ang mga sugat na natamo sa aksidente. Sa kanyang kamay ay tinititigan ang nag-iisang larawan ng kanyang asawa na hawak ang sanggol nilang anak na lalake. Halos tumulo ang kanyang mga luha sa mga mata sa sobrang pangungulila sa kanyang mag-ina na wala man lang siyang alam kung ano na ang nangyari sa kanila. Hinding-hindi niya kakayanin kung may masamang nangyari sa kanyang mag-ina at hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili. Naalala niya ang larawan na

