Nasa ilalim ng kanilang pulang kotse ang magkakapatid na sina Adrian, Margaux at ang bunso nilang kapatid na si Jhayvee. Doon sila nagtago habang hinihintay ang kanilang mga magulang. Nakadapa ang dalawang bata kasama ang bunsong kapatid na si Jhayvee na walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Hindi nila mabuksan ang pintuan ng sasakyan kanina dahil nasa kanilang ama ang susi nito. Kanina pa hirap na hirap si Adrian na ipagkasya ang malaking bulas na katawan sa makipot na ilalim ng kanilang sasakyan. Siya man ay takot sa mga nasaksihang pangyayari sa loob ng pinagkainan nilang restaurant. Habang si Margaux ay pinipigilan ang pag-iyak dahil natatakot siyang marinig ng mga aswang at makita sila sa kanilang pinagtataguan. Biglang nagliwanag ang mukha ng dalawang magkapatid nang makitan

