"Bakit wala pa si Demetria?" Ang tanong ni Randy kay Odessa sabay subo sa saging na kinuha nila sa tabi ng sapa. Maagang naglakbay ang dalawa para marating na nila ang lawa ng Pinatubo at makuha na ang nektar ng Myrho. Inaasahan ni Odessa na masusundan naman sila ni Demetria na nagpaalam sa kanila para ipagawa ang kasuotan na magagamit ni Randy. "Ang paalam kasi niya kagabi ay bago magtanghali, makakasama na natin siya at konting tiis na lang magkakaroon ka na ng kasuotan. Magiging espesyal iyon dahil bibigyan ito ng mahika para hindi na tatablan pa ng apoy. "Ha? Salamat naman at hindi na ako giginawin ng ganito." Ang tuwang-tuwang wika ni Randy. Pero ang tototo ay hindi siya komportable na nakahubad sa harapan ni Odessa, Malamig pa rin ang paligid kaya halos mangin

