IHP 6 "Maddisson... Gumising ka muna... kaylangan mong kumain." Nagising ako sa marahang pag himas ni Austin sa pisngi ko. Hindi ko namalayang naka-tulog na pala ako sa pag-aantay dito. Tinignan ko siya at mayroon siyang hawak hawak na tray na may lamang pagkain. Umupo siya sa gilid ng kama. Hinatak ko yung comforter at sumandal sa head board. Naiilang talaga ako sa kanya! Lalo na sa mga titig nitong nakaka lunod. Matiim lamang itong naka titig sa akin na parang tinitimbang ako. Lumunok ako. "Pasensya na, hindi ko namalayang naka tulog pala ako..." Umiling ito saka bumuntong hininga. "Ayos lang iyon, Maddisson. Kumain ka muna tapos ay ihahatid na kita pauwi sa inyo." malalim ang boses nitong sabi. Kinagat ko ang labi ko saka tumango. "Sige..." Pinatong niya iyung tray sa kandunga

