CASSANDRA “Ang ganda-ganda mo.” Papuri sa akin ni Rena nang magbihis na ako ng puting dress hangang talampakan ang haba. Ibinigay niya sa akin ang isang bouquet ng pulang rosas. Silang dalawa ni Manang Cora ang magiging saksi namin pati na rin si Kuya Roma. Sabi niya sa akin. Pupunta na lamang daw ang kanyang pamilya kapag kinasal na kami sa simbahan. Dahil busy daw ang mga ito sa states. “Salamat, Rena. Nasaan si Tyron?” tanong ko sa kanya. Dahil kaninang umaga ko pa ito hindi nakikita. “Parating na yun. Mabuti pa bumaba na tayo.” wika niya sa akin. Nauna siyang lumabas at inintay niya ako. Nang marating ko ang hagdan ay natanaw ko si Tyron na nakasuot na rin ng puting polo. Nagtama ang mga mata naming dalawa at sabay kaming napangiti sa isa’t-isa. Lumapit siya sa ibabang hagdan at

