Chapter 2

2555 Words
Savannah Claire POV: " Sis, can I talk to you for a minute?" Kuya Paul is the director of the NBI. Magaling, alisto at higit sa lahat gwapo. "Is it important to you Kuya?" Kapag may problema yan at hindi niya kayang lutasin mag isa hihingi siya ng tulong sa akin. " May ipapagawa ka na naman sa kapatid natin, bro?" Kaya lumingon si kuya Paul kay kuya Anthony. Si kuya Anthony ang general ng mga pulis. " Oo, bro." Sinasabi ko na nga ba. " Hindi ba pwedeng tapusin muna natin ang almusal natin bago kayo mag usap tungkol sa trabaho?" Si mommy Lucy. Siya ang pinakaayaw sa mga trabaho namin. Isa akong agent ng NBI at pulis. Ayaw ni mommy na pati ako papasok sa delikadong trabaho. " Lagi nalang trabaho ang inuuna ninyo kapag tayo ay kumakain ng sabay sabay." Lagot na galit na naman si mommy. " Mahal, pabayaan mo na ang mga anak mo. Malaki na yan sila para palalahanan pa natin. Isa pa tabaho ang pag uusapan nila." pang aayum ni daddy kay mommy. " Sige po mommy, mamaya nalang po kami mag usap tungkol sa work, let's eat first." Pampalubag loob ni kuya Anthony kay mommy. " Salamat, anak." Madrama kasi talaga ito si mommy, kaya mahal na mahal namin siya. Kahit malaki na kami nag aalala pa rin talaga siya sa amin. ' Pagkatapos namin kumain pumunta na kami ng pool at doon nag usap.' " Kuya, do you have any problem? spill it out now at lalabas kami ni Stephanie, manghuhunting kami sa bar ng mga gwapo." Nanlisik naman ang mata ni kuya Paul na tumingin sa akin. " Umayos ka bunso baka palabasin kita dito sa mansiyon ng wala sa oras." Hindi talaga mabiro itong kuya ko. " Ito naman hindi mabiro." Sabay kiss sa pisngi niya. " Ano ba kasi ang problema,kuya?" Ayaw pa kasi sabihin. Kanina pa ako natatae, ang bagal magkwento anong problema niya. " Kuya, can you make it quick, please? kanina pa ako natatae eh. Sakit na tiyan ko." Umiling naman siya sa akin. " Natatae na daw yang bunso natin. Hayaan mo muna magbawas para makaintindi yan sa sasabihin mo." Sabay pa silang natawa sa sinabi ni kuya Anthony. " Wala ka talagang katulad sis. Kababae mong tao ganyan ang mga kilos mo. Paano ka makahanap ng boyfriend niyan?" Boyfriend? sakit lang yan sa ulo. Sagabal pa yan sa mission at trabaho ko. " Wala akong balak mag boyfriend, dyan na muna kayo, hindi ko na kaya talaga." Kumaripas ako ng takbo papuntang room ko at dali dali akong pumasok sa toilet room. ' Pagbalik ko sa kanila sa may pool area. Nakita ko na nag uusap ang dalawa na seryoso masyado. " Alam ko naman na kaya ni bunso ang lahat na pinapagawa mo. Ang ayaw ko lang ay mapahamak ang bunso natin. Kahit pa nag eensayo at nakapasa yan sa mga training, babae pa rin yan. Paano nalang kung hindi na yan makapag asawa dahil sa mission niya at trabaho? Paano tayo mabigyan ng maganda at gwapong pamangkin niyan." Maganda na sana ang usapan, kaso nasali na naman ang love life ko sa usapan nilang dalawa. " Kahit kailan talaga, kapag nag uusap kayo sinasali niyo ang love life ko. Ayaw niyo na ba sa akin at gusto niyo na akong mag asawa?" Sabay pabagsak na upo. Muntik pa akong mahulog sa upuan. " Sis, we know that you are capable of this work. 3 million ang bayad mo dito." Putcha! gaano ba kayaman ang maging kliyente ko at ganun nalang magwaldas ng pera. " Kailan ako magsisimula, kuya?" Na excite ako sa 3 million. Pandagdag na rin yan sa pinapatayo kong mansiyon at sa pagpapatayo ko ng resort sa Palawan. " Sis, sigurado ka na ba sa mga desisyon mo na ganito? Mahal ang bayad pero delikado." Grabe naman to si kuya Anthony, tatakutin ba naman ako. " Kuya, relax ka lang sa ganda ko ba naman, syempre kayang kaya ko yan. Ano ba ang ipapagawa mo sa akin kuya Paul?" Nangangati na tong kamay. Kailangan madaliin at para makuha ko ang 3 million na yun. " Ang kaibigan ko, may mga kaaway sa kompanya na minamatyagan siya at gusto siyang patumbahin. Pumunta ka sa kompanya nila at lagyan mo ng CCTV sa lahat ng sulok na hindi makikita." Yun lang ang gagawin ko? " Teka kuya, yan lang ang gagawin ko, wala ng iba?" Tanong ko sa kanya. Ang simple lang naman pero ang ibabayad sa akin 3 million talaga? " Hindi basta basta ang pagpasok sa kompanya ng mga Serbantes. May security team sila na nagmamanage sa mga kilos ng tao sa kompanya. Isang pagkakamali mo lang mahuhuli ka." Pagpapaliwanag ni kuya Paul sa akin. Hindi siya mahirap. " I'm in, kuya Paul." Tila nagulat naman si kuya Anthony sa mabilis kong pagpayag. " Pero sis, baka mapahamak ka?" Alala pa niya sa akin. " Kuya, Anthony nag aalala ka sa akin, pero nung may pinagawa ka sa akin na imbistigahan ang malaking pagawaan ng shabu, hindi ka natakot na mahuli at makita ako ng mga kalaban at mapatay nila ako?" Pagpapaalala ko sa kanya. Parehas lang naman kasi sila ni kuya Paul. Kapag nagpapagawa sila sa akin ng mission bawat isa kanila ay worried sa akin. Pero ako easy lang sa akin yan kapag malaki ang bayad parehas nitong 3 million na to. " Ikaw, sis kapag pera na mabilis kang napapayag ano?" sarkastik na sabi ni kuya Anthony. " Kuya, alam mo naman na may pinapagawa pa akong bahay at resort. " Tumigil naman siya at tumingin kay kuya Paul. " Bro, siguraduhin mo na hindi mapahamak ang bunso natin. Alam mo naman na mahal na mahal ko yan." Mahal daw ako pero kung siya magpagawa ng mission sa akin. Halos nalang hindi niya ako ituring na kapatid. " Wag nga ako, Anthony, mabuti nga ako simple lang, eh ikaw kung may pinapagawa ka sa bunso natin iniisip mo ba ang kapakanan niya?" Tumingin lang si kuya Anthony kay kuya Paul. " Kelan ko ba gagawin yun kuya?" Tanong ko dito. " Mamayang umaga. Wala pa siya ngayon sa kompanya dahil nag asikaso pa yun sa anak niya. Palibhasa wala ng asawa, biyudo si Mathew Serbantes. Kaya siya nalang ngayon nag alaga sa makulit niyang anak na masama ang ugali." Diyos ko naman, pati ba naman bata may kasamaan ng ugali. ' Pagkatapos namin mag usap. Nagbihis na ako para sa bago kung mission. Mamaya pagkatapos pupunta ako ng opisina para dalawin si dad. Maya ko na e text si Stephanie para sa bar bonding naming dalawa. " Anak, nandiyan ka pa ba sa room mo?" s**t si mommy. Dali dali kong tinago ang baril sa bag at nagsuot ako ng hapit na dress at mataas na sandal para sa pagpasok ko sa kompanya ng Serbantes. Hindi kasi alam ni mommy na may baril akong dala dala sa tuwing umaalis ako kapag may mission akong gagawin. " I'm still here mom, do you need anything?" Bago kasi ako sumabak sa sari-sari kong trabaho pinupuntahan ako ni mommy sa kwarto. " May sasabihin lang ako sayo anak. Can you spare a little of your time, anak?" Naawa na rin ako kay mommy, dahil lagi nalang siyang stress pagadating sa aming tatlo. " Yes, Mommy, of course, I have time for you. Do you want anything? I will get it for you, Mom." Hinawakan ko ang kamay ni mommy. " Anak, bakit di ka nalang mag full-time work sa Fortalejo shipping line or sa Fortalejo group of companies?" Actually, marami kaming negosyo pero yang dalawa lang na yan ang gusto kong hawakan. " Mom, napag usapan na natin to diba? Ito ang trabaho ko. Sayang naman kung hindi ko po ito gagamitin, hindi ba?" Sumabak kasi ako sa military training sa America, sinama din ako sa grupo ng malaking investigation team na isang mafia pala. Kaya malaki ang tiwala nila kuya Paul at kuya Anthony sa akin. " Anak, delikado kasi ang trabaho mo bilang agent. Hindi ka ba nasusugatan ng mga kalaban mo?" Alam ni mommy at daddy ang trabaho ko, kaya naman doble ang ingat nila sa akin. Kaya hanggang ngayon wala pa akong love life, nakakalungkot isipin pero, masaya at walang sakit sa ulo. " Trust me, Mom, hindi nila ako nasusugatan." Pagmamayabang ko naman sa aking inang maganda. " Lagi ka lang mag iingat anak." At humalik na siya sa akin at lumabas ng kwarto na may luha sa mga mata. ' Paglabas ko sa kwarto ng bumaba na ako ng hagdan narinig ko ang pag uusap nilang apat. " Magaling na agent ang anak mo Cecelia, hindi basta basta na bata yan. Siya ang pinakamagaling na agent sa angkan natin." Tsaka siya niyakap ni daddy. " Mom, don't stress yourself, okay? Savannah is a very clever lady. Siya si Black butterfly." Holy s**t, bakit sinabi ni kuya Anthony ang code name ko kay mommy? " Kuya Anthony!" sigaw ko kay kuya. Kaya napalingon silang lahat sa akin at gulat na gulat sa pagkakita sa akin. Hanggang maaari walang sino man ang makakaalam sa code name ko na black butterfly dahil delikado. " I'm so sorry sis." Yan lang talaga ang masabi niya. Tsaka ko sinapak si kuya Anthony at lumabas ng bahay. " Mag usap tayo pagka uwi ko mamayang madaling araw. Sa ngayon pumasok na muna kayo sa kanya kanyang mga trabaho at mag ingat kayong lahat." Sigaw ko sa kanila. Sa aming tatlo ako ang nasusunod dahil ako ang may mga mata sa lahat ng may katungkulan sa gobyerno. Private man o public. " Sis, safe ba ang bar na pupuntahan natin mamaya?" Doble ingat na ngayon ang kapatid ko dahil muntik na siyang mamatay dati. Binaril lang naman siya ng kalaban niya sa pagiging chief of director ng NBI. " No problem for that kuya Paul, safe ang bar inutos ko na yan sa mga tauhan ko. " May sarili akong tauhan na siyang nagmamatyag at nagbabantay 24/7 dahil ang pinakaayaw ko ang mabulilyaso ang mga trabaho ko. " Pwede na kayo pumasok sa mga trabaho ninyo. At ikaw kuya Anthony, mag iingat ka wag ka basta basta suamakay ng kotse mo na hindi ka ngchecheck dahil baka matosta ka nalang sa loob." Habilin ko sa kanya. " Aalis na ako para sa panibago kung misyon, adios sa inyo!" Sumakay na ako ng kotse papuntang company ni Serbantes. Isa sa mga tauhan niya sa security team ang kausap ko at nagtrabaho din sa akin. Kaya mabilis ang pasok ko sa kanilang kompanya. " Padating na ako dyan ihanda na ninyo ang kakailanganin ko para matapos ako ng mabilis." Tawag ko sa tauhan ko sa loob ng kompanya. " Right away, boss." Pagkababa ko sa tawag, pinaharorot ko na ang ang kotse ko at pagkadating ko sa kompanya ng mga Serbantes sumenyas ako sa guard. " Good morning ma'am." Tumango ako bilang pagtugon sa pagbati niya sa akin. " diretso lang po kayo ma'am, tapos kanan." Sinunod ko ang sinabi niya at pagdating ko sa sulok, sinalubong ako ng isa sa mga tauhan ko at binigay ang ang mga kailangan kong kamira at speaker na dapat kung ikabit bawat sulok. " Tapos ko na gawin ang mga dapat gawin, kung mahuli man ako kayo na bahala magpaliwanag sa may ari nitong kompanya. " Tumango sila at bumalik na sila sa kanilang ginagawa. Nagpunta ako sa toilet room para magpalit ng damit para kung sakali na maabutan ako ng may ari mabilis akong makakilos. Nagsuot ako ng rubber shoes, t-shirt, maong at jacket na may hood. Pagkalabas ko pa lang ng pintuan nabangga ko ang anak ng may ari ibig sabihin siya ang namamahala nitong kompanya nila. " Ouch!" Kunyari napadaing ako. Pero ng tingnan niya ako, dali dali akong tumakbo dahil naiihi na naman ako. Kailangan ko muna magbawas at hindi ko na kaya sa pagtakbo ko humabol ako ng sabi. " Be careful next time." Astig, ako na nga nakabangga sa kanya ako pa ang nagsabi noon. Panigurado na curious siya ngayon kung sino ako. Ang tauhan ko na ang bahala magpaliwanag. " Nagawa ko na ang pinagawa mo sa akin kuya Paul. Within the day I need my payment." Kailangan ko pa ambunan ang mga tauhan ko sa pera na makukuha ko. " Very good, sis. Ang galing mo talaga." Puri naman niya sa akin. " Nabangga ko ang anak ng may ari ng kompanya. Ang anak ng Serbantes na kaibigan mo." Hindi nman siguro ako nakilala. " Nakita ba niya ang mukha mo?" Umiling naman ako, akala mo naman kaharap ko ang kausap ko ngayon. " No need to worry, he didn't see my face." Narinig ko na bumuntong hininga siya. " Thank you, God, safe ang kapatid ko." Kung magworry naman siya sa akin wagas. " Magkita nalang tayo mamaya sa bar kuya. Puntahan ko lang si Stephanie sa school nila para sabihan ko na tuloy kami sa bar. At para na din dalawin siya." Paalam ko kay kuya. " Okay, bunso mag iingat ka. ' Marami ng mga bata na sinusundo ng kanya kanyang magulang. Pero may napansin akong isang nakahood na nakatingin sa isang bata na nakaupo sa may tabi ng upuan. Nakita ko na lumapit siya sa bata at sapilitang kinarga ito. Mabilis akong lumabas ng sasakyan ko at sinaklolohan ang bata. " Somebody, help me. Let me go, you are so ugly, you are a bad person. Help, help me please, somebody help me!' Nagsisigaw ang bata sa pagpupumiglas. Hinawakan ko ang kamay ng lalaki at inikot ito, tapos sinuntok ko siya sa tiyan, at tinadyakan ang harapan niya saka ko siya binuhat at binagsak sa sahig. " Are you okay boy?" Gulat ang bata sa nakita niya. Oh s**t, daming nakakita sa akin. Tumawag ako sa pulis station. " Pumunta kayo dito sa may school malapit sa university ng Saint Maria College." Pinutol ko na ang tawag at hinarap ang isang bata. " Tell me, are you okay?" Tumango siya at niyakap ako. " Thank you for saving my life, my miss hero." Hmmmm, ang cute naman nitong bata na ito. May tawag na agad siya sa akin. " What is your name boy?" Tumingin siya sa akin. " I am Marcus Leandro Serbantes po." What a coincidence huh? Anak pa siya ng kaibigan ni kuya Paul. " Can we go inside?" Hinwakan ko siya at dinala sa loob. Nakita ko si Stephanie na tumatakbo. " Beshy, anong nangyari at nalaman ko sa labas na ikaw nagpatumba sa lalaki na muntik ng dumukot nitong cute na bata na ito?" Halos hindi na siya makahinga sa haba ng tanong niya. " Ako yung natatakot sayo babae ka, paano kung babalikan ka o nakita kana ng iba pa nilang tauhan?" Kung mag alala talaga siya sa akin akala mo naman mawawala agad ako. " Tawagan mo ang pamilya ni Marcus Leandro at ipaalam mo ang nangyari. " Sabi ko sa kaibigan ko at sinunod naman niya ang utos ko. Si Stephanie ang matalik kong kaibigan, may alam siya sa trabaho ko. Pero hindi niya alam na ako si black butterfly. Delikado kapag malaman ng mga mahal ko sa buhay ang code name ko. Baka silang lahat ay mawala sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD