Chapter 5

1733 Words
KATULAD nga nang inaasahan ay hindi matatapos ang gabi nang mga ito ng walang bumabagsak dahil sa kalasingan. Napailing-iling nalang ako at pinagmasdan si Crem. Siya ang nalasing sa aming lahat. He literary looks so wasted rigth now. Mukhang nalimutan yata nito na kaylangan pa naming umuwi. Inayos ko pagkakahawak dito upang hindi kami tuluyang matumba. Oo, inaamin kong gwapo siya pero hindi naman ibig sabihin non hindi siya mabigat no! Mabuti nalang at nandito si Lennox upang tulungan akong buhatin ito. "Iwan na lang kaya natin 'to dito?" sohistyon ko. Nailing na lang si Lennox at natawa. Matapos ang inuman ay nauna na saming umuwi sila Ate Janna at Kenneth. Kami lang ang naiwan ni Lennox upang iuwi ang kulugong Crem na 'to. Kung pwede lang sanang iwan ko na lang ito sa restaurant ay baka ginawa ko na. Kung hindi lang siguro nandito si Lennox ay baka pinabayaan ko na itong mabulok doon. Maling desisyon nga talaga ang pagpunta namin dito! Mabilis kaming sinalubong ni Kuya Reg nang makarating kami parking lot. "Sir Crem!" Agad kami nitong sanaklulohan at tinulungan si Lennox na ipasok si Crem sa backseat ng sasakyan. Hinarap ako ni Lennox matapos ipasok si Crem sa sasakyan. "Ikaw, san ka? Hatid na kita." "Hindi, mauna ka na." Tanggi ko. "Magta-taxi nalang siguro ako," dahilan ko kahit sa totoo lang ay inaatay ko lang itong makaalis para makasakay na rin ako sa sasakyan at makauwi na. Napapahiya itong napakamot ng batok. "Sure ka? Gabi na, baka ano pang mangyari sa 'yo sa daan." "Kaya ko na. Tyaka kaylangan mo pang sunduin si Nadia 'di ba?" Pabiro ko itong tinulak upang gumayak na. "Mauna ka na, kaya ko na 'to. Ako pa ba?" Panandalian pa ako nitong sinulyapan, tila ba ayaw pa nitong umalis. Sa huli ay napabuntong hininga na lang ito bago ako tuluyang iniwanan. Pinagmasdan ko lang itong papalayo. Nang makalayo na ito ay ginawa kong pagkakataon 'yon upang pumasok sa sasakyan pero ganon nalang ang gulat ko nang ang kunot na noo ni Crem ang sumalubong sa akin nang makapasok ako nang sasakyan. Akala ko ba tulog 'to? "Problema mo?" Inis kong tanong pero isang irap lang nakuwa 'kong sagot mula rito. Hindi ko lang siya pinansin at naupo sa tabi niya. Napasandal nalang ako sa malambot na upoan sa likod ko dahil sa pagod. Ramdam ko ang pagtama ng ininom kong alak kanina sa sistema ko pero hindi tulad nila Crem ay kaya ko pa namang dalin ang sarili. Hindi rin naman kasi ganon karame ang ininom ko kanina. Napabaling ako sa katabi nang maramdaman ang mabigat na bagay na sumandal sa balikat ko. Ang natutulog na si Crem ang unang sumalubong sa akin. Hindi tulad nang kanina na kunot ang noo niyo at tila ba pinagsakluban ng langit at lupa ay makayapa ang itsura nito ngayon. Parang kanina lang ay para bang papatay na ito sa klase pa lang ng tangin niya tapos ngayon naman ay para siyang batang iniwan ng ina. Halatang may tama pa ito ng alak dahil sa pabago-bago ng mood niya. Hindi mapigilang gumuhit sa mukha ko ang isang maliit ngiti pero agad din itong nawala nang mapansin ang tingin ni Kuya Reg mula sa rearview mirror ng sasakyan. Hindi ko man lang napansin na kanina pa pala itong nakamasid. Napapahiya akong napaiwas ng tingin dito. Rinig ko mahina nitong tawa mula sa Drivers seat halatang pinipigilan niya sa huli hindi rin nakayanang ilabas ang tawa. Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam nang kahihiyan. Napahilamos na lamang ako ng pagmumukha. Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa dahil sa pagkapahiya. - Inihagis ko ang tulog na katawan ni Crem sa kama nang makarating kami sa kwarto niya. Rinig ko mahina nitong daing dahil sa ginawa ko pero hindi ko na iyon pinansin pa. Kasalanan niya rin naman. Kung hindi sana siya nagpakalasing kanina ay mas maayos sana kaming nakauwi ngayon. Kahit kailan talaga ay epal ang lalaking ito sa kaligayahan ko. Napa-upo nalang ako sa tabi nito dahil sa pagod. Naramdaman ko ang pagpasok ng kung sino sa kwarto nang buksan ko ang mga mata ay ang papalapit na si Lola Emirita ang unang sumalubong sa akin. May hawak hawak itong planggana na sa tingin ko ay tubig ang laman. Agad 'kong tumayo at kinuwa ito mula sakaniya. "Ako na po," pag-ako ko. Hindi ko mapigilang tubuan nang hiya nang mapansin ang suot nito. Nakasuot na ito nang pajama at mukhang naghahanda nang matulog kung hindi lang kami dumating. Late na rin kasi kaming nakauwi kaya hindi na nakakapagtaka kung naistorbo namin siya. "Ako na pong bahala dito, Nay. Pwede na kayong magpahinga." Kung maari lang ay ayoko nang makaistorbo pa sa matanda. Matagal nang naninilbihan kila Crem si Lola Emirita. Ito ang madalas na mag-alaga kay Crem noon lalo na kapag wala si Tita Agnes sa Pilipinas dahil sa dami ng trabaho nito. Kahit ngayong bumuklod na kami ay hindi pa rin ito kayang bitiwan ni Crem dahil naging pangalawang ina niya na rin ang matanda. "Naku, Naku. Mas maganda pa nga kung ganon. Sabihan mo na lang ako sa baba kapag may kaylangan ka pa, Raiah" aniya. Tumango nalamang ako dito at pinanood siyang lisanin ang kwarto ni Crem bago ibalik sa natutulog na binata ang paningin ko. Ibinaba ko ang hawak na maliit na planggana sa bed side table at simulang tanggalin ang suot na damit ng binata upang maging komportable na rin ang tulog nito. Inuna kong tanggalin ang sapatos niya pati na rin ang suot niyang medyas. Tyaka ko lang napansin ang naninitig saakin nang kung sino nang lingunin ko ito ay ang kayumangging parehas ng mga mata nang binata ang sumalubong sa akin. "What are you doing?" He ask. Hindi katulad kanina ay mukhang nabalik na ito sa ulirat. "What do you think?" sarkasmo kong balik at nagpatuloy sa ginagawa. "Hindi ka na dapat uminom kanina. Alam mo namang mabilis kang malasing." Inilagay ko sa box ang sapatos nito bago iyon inilagay sa cabinet kung saan nakalagay ang mga sapatos niya. "I'm sorry," mahina lang iyon pero nagawa kong marinig. Natigilan ako sa ginagawa nang marinig ito mula sakaniya. Taka ko siyang hinarap. Nakapatong sa mukha nito ang braso niya dahilan upang hindi ko makita ang mukha nito ngayon. "I'm sorry, Raiah," pagpapatuloy niya. Malalim ang boses nito kaya hindi ko maintindihan kung umiiyak ba ito o ano. Mukhang hindi pa nawawala ang tama ng alak sa sistema nito at kung ano-ano nalang ang pinagsasabi. "Ano bang pinagsasabi mo-" "I shouldn't have bring you into this mess." Natigilan ako nang sabihin niya ang mga iyon. "I thought you'll be better when your with me but I'm wrong. You've lost everything because of me." Hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan ang mga sinabe nito pero tila ba unti-unti itong nabubuo sa utak ko. "If you married him. You wouldn't have to suffer like this," he continued. "But I can't control myself. I can't control myself anymore. It's not as if I would ever let you marry him." Agad ko naman itong pinutol. Hindi ko maintindihan kung sino ang tinutukoy niyang 'Him' pero alam ko kung ano ang ibig nitong sabihin. "Pwede ba wala kang kasalanan. Stop guilt triping yourself, Crem. can you? None of us want this marriage in the first place." That's right. Both of us doesn't want this marriage in the very beginning. If it wouldn't because of that damn last will the deceased Don Carlos left. Maybe both of us can keep our friendship until now. Maybe things wouldn't be the same. Could it be? Sandaling napuno nang katahimikan ang buong palagid hanggang siya rin ang naunang bumasag non. "You think so?" mahina lamang iyon tila ba ayaw nitong iparinig sa akin. Napailing iling nalamang ako. "Mabuti pa, matulog ka nalang. Mukhang may tama ka pa nang alak," pag-iiba ko ng topic. Kinuwa ko ang maliit na planggang inilapag ko kanina sa bedside table. Mukhang kaya naman na nito ang sarili niya at hindi na kaylangan pa ng tulong ko. "Maligo ka muna bago ka matulog para gumaan ang pakiramdam mo," aniya ko bago siya tuluyang iniwanan doon. Agad kong tinungo ang kwarto kong katapat lamang nang kwarto nito. Magkaiba ang kwartong tinutuyan namin kahit pa nasa iisang bahay lamang kami. Mas pinili ko na rin ang ganito. Mukhang wala rin namang problema si Crem doon. Pagod akong napahiga sa kama nang makapasok ako sa kwarto ko. Muling inabala ang utak ko nang mga sinabe ni Crem kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon nalamang ang paghingi nito ng tawad kanina. That's the first time he talked about it. Asawa niya 'ko pero ni wala man lang akong ka-ide-idea sa mga problema nito. Napubuntong hininga nalang ako. Hindi ko na mabilang pa kung pang ilang beses na kong napabuntong hininga sa araw na ito. Siguro ay dahil narin sa pagod ay unti-unting nilamon ng kadiliman ang sistema ko. NAGISING ako nang marinig ang malakas na ingay mula sa labas. Rinig ko ang malakas na boses ni Crem isama pa ang pamilyar na boses nang isang babae. Inis akong napabangon at tinignan ang oras mula sa maliit na alarm na nakalagay sa bedside table. Maga-ala syete palang pero tila ba may fiesta na dahil sa ingay nila sa labas. Kahit inaantok at gusto pang natulog ay wala akong nagawa kundi ang lumabas at tignan ang mga nangyayare sa labas. Bukas ang kwarto ni Crem nang madaanan ko ito ay tila ba nakalimutan pa itong isara dahil sa pagmamadali. Hindi ko rin mahagilap ni Lola Emirita marahil ay nasa baba ito kasama ni Crem. Nang makababa ako ay ang gulo-gulong mukha ni Crem ang unang sumalubong saakin. "You should have tell me you would come. I would have picked you," aniya sa babaeng nasa harapan niya. Mukhang hindi naman napansin ng dalawa ang paglapit ko. Si Lola Emirita ay nasa gilid lamang nang ito tila pinapakiramdaman ang mga nangyayare. "What's the point of picking me up when I'm already here?" sagot naman nang pamilyar na babae dito. "Did you drink last night? You stink with alcohol!" kumento pa nito. "My god Cruwell Remus! You should know how to take care of yourself in this age. Ano nalang ang iisipin nang asawa mo kung ganyan ka?!" Sa matinis palang nitong boses at sa elegante niyang kasuotan ay mapag-aalaman mo na agad kung sino ito. "Tita Agnes?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD