NAGSIMULANG gumalaw ang mga labi niya. Hindi ko alam kung paano ito susundan pero ginawa ko ang best ko upang kagayahin ang galaw niya. Ito unang beses kong halikan ni Crem ng ganito. Noong ikinasal kami ay iyon din ang una naming halik pero hindi gaya ng iba ay hindi iyon naging ganon karomantiko. Di hamak na ibang iba ito. Sya rin ang naunang nagbitaw ng halik. Nanatiling nakakulong ang mukha ko sa mga palad nito. "Damn.. I think you you should go back now, Raiah," bulong niya. Kumunot ang noo ko. Akala ko ayos na kami pero bakit ito na naman siya at muli akong pinapaalis. Hindi ko mapigilang masaktan. Ganon na lang ba kababaw sa kaniya ang halik na pinagsaluhan namin ngayon lang? Natigilan ako sa pag-iisip ng maramdaman ang pagtama ng isang matigas na bagay sa tyan ko. Taka ko itong

