NANG makapasok kami ng villa ay agad na inalok sa akin ni Crem ang isang tuwalya. Mabilis ko naman iyong kinuwa mula sa kaniya at nagpasalamat. Ginamit ko iyon upang punasan ibalot sa basa kong katawan. Pumasok kami sa isa sa mga bakanteng kuwarto. May kalakihan ang vila. Siguro ay kasiya na ito sa anim na tao. Merong dalawang kuwarto pero sa tingin ko ay opisina ang isa base sa nakita ko kanina nong madaanan namin ito. "Sinong nag-babantay ng babay?" tanong ko kay Crem. Pansin ko na malinis ang villa. Mukhang pinalinis ito ni Cream bago na kami pumunta rito rito. Lumapit ako sa isang maliit na cabinet na nasa ibaba ng TV. May mga nakalatag doong mga picture phrame. Agad na naagaw ng atensyon ko ang isang litrato nilang apat. Ang tatlong magpipinsang Laxamana, si Declan na halata sa

