NAPAGKASUNDUAN namin ni Crem na sa dating bahay niya pa rin muna kami tumira sa maikling panahon upang hindi ito maging sagabal sa trabaho namin. Pumayag naman ako dahil tama naman ito. Mayayo-yayo din kasi ang bahay na yon sa opisina kaya hassle kung basta na lang kaming lumipat. Tyaka maalala pa lang na may ganoong klaseng kwarto sa bahay niya kini-kilabutan na agad ako. Matapos naming mag-usap ay dumeretso na rin kami sa opisina para magtrabaho. Mabuti na lang talaga at hindi ako napagalitan ni Mrs. Alonzo nang makarating ako dahil late na naman ako. "I will send the other information to your e-mail address. Make sure to check it," huling paalala ni Ate Janna sa amin. Kakatapos lang mag-meeting ng department namin tungkol sa bagong project na ilulunch ng Laxamana Real Estate. Kauntin

