ANAK NG PUTA! Malutong na napamura si Ka Rodney nang napalibutan na sila ng Police. Akmang lalapitan na sila nang mabilis na kinuha ni Rodney ang bomba at nilusot nito sa bintana ng sasakyan. Agad na napaatras ang mga kapulisan nang makita ang bomba sa kamay niya. “I-hostage mo ako, Rodney!” turan ni Lanie. “Bakit ikaw pa? bakit hindi na lang ang babaeng ‘yan para kung madali kong mapatay! Alangan naman patayin ko ang asawa ko?” “L—Lanieeee… huwag… huwag mo akong papatayin. Maawa ka sa nanay ko kahit gano’n ‘yon mahal na mahal ko ‘yon!” “Hindi! hindi ko magagawa ‘yan sayo basta huwag mo kaming isusumbong, ah?” pagsusumamo ni Lanie. Umiiyak siya pero mas malala ang iyak ni Maryjoy. Akmang hahawakan niya ‘to pero mas lalong nanginig si Maryjoy. Hanggang sa sumabog ang bomba sa kap

