Can't have you

1197 Words

IKAKASAL na kami ni Rodney kaya itigil na natin ‘to Keb. “f**k!” Galit na itinapon ni Keb ang hawak na sigarilyo kahit kakasinde pa lamang. Napahawak ito sa panga at waring nag-iisip ng malalim. Nandito sila sa nakakubli sa malaking bato ng batis. Pagkatapos kasing magpropose ni Rodney sa kanya ay bigla na lang tinakpan ni Keb ang bibig niya at binuhat siya papunta dito sa batis. Naiwan niya pa ang tsenelas sa banyo tiyak na hinahanap na siya ni Nanay Delyn. “Hindi ako papayag, Maryjoy. Bukas ng umaga sasamahan kita magpunta sa clinic ipapa-check up kita baka nakabuo na tayo.” Napakunot ang noo niya at tiningala pa niya si Keb. Mukha naman itong seryoso pero nakabobo lang. “Wala pang isang linggo na may nangyari sa atin, Keb. Malabo sa malabo na buntis ako para ka namang sira.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD