Selos

860 Words
Leonardo'sPOV Minamaneho ko ang kotse papuntang Head Quarters kasama si Rhianna. Napatingin ako sa kanya habang nakatanaw siya sa labas ng bintana. "Kamusta pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya. Sobra akong nag-alala sa kanya kagabi. Sobra kong seneryuso ang laban. Hindi ko napansin na nasasaktan na pala siya. Lumingon siya sakin. Ayon na naman ang mga tingin niya. Tinging nakakahalina. Biglang lumakas ang t***k ng dibdib ko. "Ayos na ako. Salamat pala sa ginawa mong paghilot sa paa ko kagabi." wika niya tsaka ngumiti sakin. Kusang kumurba ang aking mga labi para suklian siya ng matamis na ngiti. Ibinalik ko ang atensyon sa daan. Isang linggo ang gagawing pagsasanay ni Rhianna bago kami sasabak. Ililigtas namin ang kanyang Ina at Kapatid. Ganunpaman, nandito pa rin ako sa tabi niya at handa siyang iligtas. "Leo." untag sakin ni Rhianna. "Bakit Rhianna?" tanong ko. "May sasabihin ako." wika niya. Nilingon ko siya. "Si Don Ysmael, siya ang aking amain na nagkulong samin." Naihinto ko ang sasakyan sa isang gilid dahil sa labis na pagkagulat. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ko. "Pasensya, humahanap lang ako ng tyempo. Kaya gusto ko rin maging myembro dahil gusto ko na ako mismo ang huhuli kay Don Ysmael." wika niya tsaka siya tinitigan sa mga mata. Nakita ko ang determinasyon niya. Hinawakan ko siya sa balikat. "Ayos lang yun. Tutulungan ka namin. Kasama mo ang grupo na huhuli kay Don Ysmael." wika ko. Kahit ngayon niya lang sinabi, hindi ko magawang magalit sa kanya. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. "Salamat Leo." inihiwalay ko siya sa pagkakayakap. "Nandito lang ako. Hindi kita iiwan sa laban mo." wiko ko. Napatingin ako sa kanyang labi na napakapula. Kaysarap sigurong halikan ang mga iyon. "Leo, Tara na?" untag sakin ni Rhianna. Bigla akong humiwalay sa kanya at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Ano ba itong nangyayari sakin? Oo, aaminin ko may atraksyon akong nararamdaman para sa kanya. Subalit hindi pa ito ang tamang panahon para umamin. ** Pinasok ko ang kotse sa loob ng compound ng marating namin ang Head Quarters. Ipinarada ko iyon sa isang tabi. May apat na sasakyan ang nandoon. Lumabas ako ng kotse. Lumabas na din si Rhianna. Tinungo namin ang Head Quarters. Pagkapasok, napansin ko ang isang babaeng matangkad, na may mahabang buhok. Kausap niya si Alexandra. Parang pamilyar siya sakin. "Good Morning Agent Leo! Ayy, hindi Boss pala." wika ni Harold na kalalabas lang sa silid kung saan dinadaos ang pagpupulong. "Loko!" wika ko at inundayan ko ng suntok sa tiyan. Kunwari napa-aray ito. "Leo." tawag sakin. Nilingon ko siya at nakita ang nakapaskil na ngiti sa mga labi nito. "Carmela, Carmela Rayuz. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Lumapit ito sakin. "Grabe, napakapormal niyon Agent Leo. Nandito ako para balikan ang Ex ko. Just kidding, nandito ako para maging parte ng grupo niyo. Hindi muna makakasama si Junar dahil kailangan niyang magfocus sa asawa nito na malapit nang manganak " wika niya. Nakatingin lang samin sina Alexandra at Harold na mukhang nagtataka na ex ko pala ang babaeng nasa harapan ko. Iginala ko ang paningin. Bakit wala si Rhianna? "Asan si Rhianna?" tanong ko kay Alexandra. "Nasa likod ata, Agent. Kasama ni Brandon." sagot ni Alexandra. Nakaramdam ako ng paninibugho. Alam ko kapag ang isang lalaki ay may gusto sa isang babae. Ramdam ko na gusto ni Brandon si Rhianna. "Sandali pupuntahan ko siya." paalam ko sa kanila. Hindi ko na silang hinintay na makasagot pa. Lumabas ako ng Head Quarters at tinungo si Brandon at Rhianna. Nakita ko na inaalalayan ni Brandon si Rhianna sa paghawak ng baril. Lumapit ako sa kanila. Tumingin sakin si Rhianna. "Leo. Pasensya hindi ako nakapagpaalam kasi may kausap ka." wika nito. "Ayos lang." Pero sa kaloob-looban ko nandun yung selos sa nakita ko. "Sandali, punta muna ako saglit sa CR?" tanong ni Rhianna. "Sige Rhianna, balik ka nalang para maituloy natin pagsasanay." wika ni Brandon. Agad naman umalis si Rhianna at tinungo ang Head Quarters. "Bakit hindi ka nagpaalam sakin Brandon? Ako ang magtuturo kay Rhianna." wika ko. "Bakit Leo? Dahil ikaw ang pinuno kaya kailangan ko pa ipaalam sayo?" tanong nito. Nasa boses nito ang pagtutuya. "Brandon." wika ko sa tono na nagagalit. Hindi ko na nagugustuhan ang mga sinasabi niya. "Walang masama kung tuturuan ko siya Leo, as long na natututo siya. Kasama mo na nga siya sa iisang bubong. Hanggang dito ba naman gusto mo siyang masolo?" tanong nito sakin. Napakunot-noo ako sa sinabi nito. "Lalaki ako Leo, kaya alam ko na may gusto ka sa kanya. Sa mga tingin na ipinupukol mo sa kanya." wika niya. Halata na pala. Napangisi ako. "Bakit Brandon may gusto ka ba sa kanya?" tanong ko. "Oo Leo, at gagawin ko ang lahat para magkagusto siya sakin. Huwag ka mag-alala patas ako lumaban." wika nito. Tsaka nagmartsa paalis sa kinaroroonan ko. Hindi ko mapigilang ikuyom ang aking mga kamay. Kinuha ko ang baril na nakalapag sa mesa at tsaka iyon itinutok sa gitna. Kinalabit ko ang gantilyo at sumakto ito sa pinakagitna. Inilapag ko ulit ang baril sa mesa. "Leo, ikaw daw magtuturo sakin?" tanong sakin ni Rhianna na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD