Chapter 2

2049 Words
- One way trip - Present time... "Musta ang ligo natin?" Tinawanan lang nila akong tatlo. Teka, 'di na sila LQ ni Maurice? Mga galawan talaga ni Dale, iba talaga ang bugok! "Mag kape muna tayo," aya ni Ate. Pumasok na ako sa backseat ng kotse para makatabi si Ate Allison. Pinunasan ko muna yung buhok ko kasi medyo mabasa pa. "Oh." Tinangap ko na lang yung kape na ginawa ni Ate. Ako yung una niyang binigyan for some reason. Pwede naman kasing sarili niya ang unahin o di kaya si Maurice kasi super close din nung dalawang yun. Kinalimutan ko na lang 'yun tsaka nag focus sa mainit kong kape. Ilang araw din kami dito kaya naisipan naming bumili ng malaking termos para pang gamit namin habang nanatili kami dito. Meron din kaming snacks, rice cooker, water jugs, canned goods, cup noddles at mga madadaling bitbitin na pagkain. Dapat talaga pinalipat na namin dito sa sementeryo yung bahay para may higaan akong malambot. Paano kami makakapag luto sa Rice Cooker? May saksakan naman dito sa sementeryo. Nakapag pa reserve na kami ng isang spot para di na kami maagawan. Sa katunayan niyan, nandito lang sa gilid namin yung saksakan. Inshort naka park na kami sa tamang lugar. May mga poste kasi dito na kung saan matatagpuan yung mga outlet subalit hindi siya katulad ng totoong poste na kinakabitan ng kuryente. Design na ng may-ari itong gantong style. "Dale, nabisita mo na yung lolo mo?" Umiling lang ito habang humihigop sa mainit na kape. "Bisitahin kaya natin. Medyo nawala na din naman yung ulan." Bumaba lang kami sa sasakyan. Nilabas din namin yung mga payong kasi may ambon padin. Mamaya jan, bigla na lang lumakas 'tas wala kaming dalang payong, ayoko ng maulit yung mga nangyari kanina. Nilabas lang ni Dale yung phone niya. Medyo madilim kasi dito kaya kinailangan namin ng flashlight. Madilim na kasi tapos di pa maalala nitong lalaking 'to yung tamang lugar ng lolo niya kaya mag hahanapan pa kami! Mabuti na lang din at may kakaunting idea siya kung saan malapit. Di na ako gumamit ng flashlight ng phone ko para di ko ma lowbat kaagad. "Nakita ko na." Lumapit agad ako para tignan yung lapida. Tama naman. Nilingon ko si Dale kasi para siyang na estatwa. "Bugok!" Di siya kumibo bagkus ay nakatingin lang siya sa puntod ng lolo niya. Hinayaan ko muna siya kasi alam ko namang marami din silang masasayang alaala ng lolo niya. Baka nag dra-drama. Iniwan ko muna siya para maibigay ko yung katahimikan na kailangan niya. "Tabi-tabi po." Mahinang sambit ko habang naglalakad sa mga lawn lots. Ganto na din yung nakasanayan ng mga tao kapag tatapakan yung hindi sa kamag-anak nila. Napakunot na lang ako ng may makita akong portalet. Kanina nung dumaan kami dito ni Dale ay wala naman kaming nakitang portalet dito a? Medyo nagiging creepy na, kasi tatlong beses ko na 'tong nakita. Kumabit-balikat na lang ako at saká muling nag lakad. Kapag bumalibag talaga yan. Iche-check ko na talaga. Ilang segundo lang ay agad itong tumunog ng pagkalakas-lakas. Ilang pulgada lang ang layo ko mula roon kaya madali ko lang itong malalapitan. "Hello?" Dahan-dahan ko itong binuksan. Hinanda ko na din yung kamao ko para incase na may umatake, sasapakin ko kaagad. Pagbukas ko, wala namang laman maliban sa isang sticky note na naka dikit sa saradong toilet bowl. Sa katunayan, ito ang pinaka unang makakapasok ako sa ganto. May comfort room naman kaya bakit pa gagamit nito? Tsaka alangang maglagay kami ng portalet sa bahay namin. "Hi." Basa ko sa nakasulat. s**t! Diba sinabi ko kanina ay Hello? Putcha! Kailangan ko 'tong ipaalam sa mga kasama ko. Maingat ko na sinarado yung pintuan para di makalikha ng kahit anong ingay. Pagharap ko sa dereksyon na pupuntahan ko ay isang portalet nanaman yung nakita ko at katumbas din nito ay isang sticky note. "Cute mo." What the f**k? Anong kahibangan ba ito? As soon as na makalabas ako sa portalet na yun, tumakbo ako ng pinaka mabilis ko. Wala akong planong sabihin sakanilang tatlo kasi alam kong hindi naman nila ako papaniwalaan kahit na may dala akong sticky note. Tapos panigurado na kapag isinama ko sila kung nasan yung portalet para patunayan, posibleng mag laho na lang 'yun. Ganon naman diba palagi kapag may weird stuffs na nangyayari. Hingal na hingal akong nakarating sa sasakyan. "Anong nangyari?" Tanong ni Ate Allison ng makita niya akong hingal na hingal. Bigla namang sumulpot si Dale at Maurice na nangaling sa magkaibang direksyon. "A-ahh.. W-wala. Trip ko lang tumakbo." Pag rarason ko. "Okay." Ang weird ni Ate. Sinabi niya kasi iyon habang may natatakot na mata. Anong nangyari dito nung umalis kami ni Dale? Pumasok na kaming tatlo sa kotse. Hindi ko inaasahang mag sasalita si Maurice. "Guys, may nakita akong sticky note nung nag banyo ako." Sinilip namin yung nakuha ni Maurice na sticky note. "Ang ganda mo." Basa ni Ate. "May nakuha din akong sticky note habang nasa puntod ako ni Lolo." That means, hindi lang ako ang naka tangap nitong sticky note. "Meron din akong isa." Tinignan kaagad namin yung hawak ni Ate. Kilala kita... "Gagi, ba't ang creepy niyan!?" Nangangambang asik ni Dale. Kinuha ko na ang chance para mag salita. "Guys," Ang weird lang kasi sakanila ay tig iisa samantalang saakin ay dalawa. Huminga muna ako ng malalim bago nag paliwanag. "Nung nag sabi ako ng Hello, bigla ko na lang nakita sa portalet yung Hi. Yung pagkakasabi ko sa Hello ay para malaman kung may tao ba o wala. Tapos pag labas ko naman, may portalet sa harapan ko. Doon ko naman natagpuan yung Cute mo." Mahabang lintaya ko. Katahimikan ang namayani saaming lahat ng makarinig kami ng kalansing ng kadena. "Aso lang." Lahat kami ay nagtawanan. Subalit hindi ko matatangi ang kabang naramdaman ko nung narinig ko iyon. Baka nga pati sila ay pinagpawisan e. Sobrang intense ba naman kasi, parang naging haunted 'tong lugar na ito. "Saan niyo pala natagpuan yung mga sticky note niyo?" Tanong ko habang nag mamasid-masid sa labas ng bintana. "Saakin sa salamin ng banyo." Tumango na lang ako sa sinabi ni Maurice. "Akin naman ay dito sa side mirror. Busy kasi ako kaka scroll ng news feed ko tapos napalingon ako sa side mirror. Ta dah!" Nagawa pang magbiro ni Ate. Hayst.. "Nakita ko yung note nung nag sisindi ako ng kandila. Sa damuhan ko nakita. Medyo makapal na kasi yung d**o kaya di ko kaagad na napansin." Paliwanag ni Dale. Sino naman kayang mang pra-prank saamin dito? Ni isang tao nga dito ay wala pa akong nakikita except syempre saaming apat. Tinignan ko silang tatlo. Si Ate Allison ay back to cellphone samantalang yung dalawa naman sa unahan ay may sariling kwentuhan. Parang wala lang nangyari. Di nila iniisip kong anong pwedeng mangyari kapag hindi kami kumilos kaagad. Baka maging masama bigla ang sitwasyon. Sumibat na ako sa sasakyan na 'yun para gumawa ng hakbang na makakatulong. Sa totoo lang, ito ang pinaka unang beses na kumilos ako. Yung tipong kumikilos para masolve yung isang problema, kadalasan kasi ay nakahilata lang ako habang nag lalaro sa phone, desktop o di kaya consoles. Ganon akong tao ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Bahala sila basta gagawin ko ang gusto ko. Meron din kasing nag tutulak saakin na gawin itong bagay na 'to. Naglakad lang ako sa kung anong direksyon. Wala naman talaga akong naiisip kung saan mag sisimula. Sa banyo? Sa mga portalet? Sa puno? Sa mga puntod? Sa Gate? Ang daming pwedeng puntahan at hindi ako makapag decide kong alin dito. Dinala na lang ako ng aking mga paa sa lugar kung saan yung mga museleo. To be honest, hindi 'to pumasok sa utak ko kanina habang iniisip kung saan pupunta. Napasinghap ako. Sobrang dilim kasi talaga hindi gaano ka detalye yung nahahagilap ko. Kapag naman gumamit ako ng flashlight e 'di malalaman kaagad na nandito ako. Syempre kailangan din mag ingat-ingat. Nakarinig ako ng kaluskos sa d**o kaya agad akong sumandal sa museleong katabi ko. Kinakabahan ako, potek! Isang palya ko lang dito, lintek na ang sasapitin ko. Sinubukan kong silipin pero wala akong nakita, masyadong madilim. Ang tanging naaninag ko lang ngayon ay ang museleong sinasandalan ng aking katawan. Gumalaw na ako, pumunta ako sa sunod na museleong nasa tapat ko. Ganon ulit ang ginawa ko para hindi ako makita. Pinagpawisan na ako, mabuti na lang din at clear out na yung ulan kasi baka lagnatin ako nito. Lalo na't pawisan pa ako tapos walang dalang payong. Bakit ko ba naman kasi kinalimutan yung payong? Pwede ko rin yun pang laban incase na hindi kayanin ng kamao ko. Ano ba 'tong pinasok ko! Dapat ba na hindi ko 'to ginawa mag isa? Wala naman kasing pakealam yung tatlo e! Bumulong na lang ako para mapalakas ko yung aking sarili. "Kaya mo to, Chase. Diba gago ka kaya sure ako na mabubuhay ka." Para akong baliw dito na bumubulong. Natigilan ako bigla. Nakaramdam kasi ako ng panlalamig. s**t! Am I going to die here? Natawa lang ako sa isip ko ng mapag tantong hangin lang pala. Potek na yan, masyado akong kabado. Humakbang ako ng isa para tignan yung paligid ko. "Hoy!" Napatalon ako ng bigla na lang na sumulpot si Dale kasama si Ate at Maurice. "Di ka man lang nag sabi na aalis ka. Mabuti na lang nakita namin ni Maurice kung saan ka pupunta kaya ayon sinundan ka na namin." Dagdag nito. Hindi ko nagustuhan ang pang gugulat nila. "Ano 'tong ginagawa mo? Nag sosolo ka!?" Panunuway ni Ate kaya nag paliwanag na ako kaagad. "Busy kaya kayo, baka naman maka istorbo lang ako kapag sinabi ko pa tsaka kaya ko naman na," umiling lang si Ate. "Kung kaya mo na pala e bakit ka biglang nagulat? Diba dapat ramdam mo lahat ng nasa paligid mo. Hindi lang sa harapan mo dapat nag fo-focus kasi mamaya jan, nasa likod mo na pala ng di mo namamalayan." Nag thumbs-up na lang ako. Mukhang hahaba pa kasi itong pa lecture ni Ate kaya mas mainam na ihinto na. Pwede bang kumalma siya kahit papaano? Nakarinig kami ng kaluskos kaya dali-dali kaming nag tago. Kung mag isa lang sana ako, e 'di hindi ako ganito ka obvious. Madali na lang kaming makikita kasi apat kami. "Anong plano mo, Chase?" Ano ba yan! Dagdag sa iintindihin ko. Shemay! "Kailangan nating maka kuha ng detalye sa mga nangyayaring kababalaghan dito o baka isang prank lang ito." Sambit ko habang nagmamasid-masid sa paligid namin. Naglakad kami papunta sa kabilang museleo nang may ilaw na biglang lumitaw. Sinundan ko ito gamit ang aking mata hanggang sa makita ko kung saan nangagaling. Walang iba kundi sa cellphone ni Ate Allison. Napaka galing niya! "Patayin mo yan Ate," 'di niya ako sinunod. Naglakad siya para unahan ako. Naisip ko tuloy bigla na takasan na lang silang tatlo. Mga pabigat lang naman kase. Makakaharang lang sila sa binabalak ko. "Patayin mo na kasi Ate." Pag uulit ko. Wala padin akong nakuhang matinong sagot. "Ano bang problema mo? Paano natin makikita kung hindi tayo gagamit ng ilaw?" Napabugha na lang ako sa hangin. Minsan uso gumamit ng utak. Yan sana yung gusto kong sabihin kaso di ko na ginawa pa. "Kung may bukas na ilaw, e 'di tatakas kaagad yun kasi alam niya o nilang nakasunod tayo sakanila." Pinabayaan ko na lang nung di pa din siya sumagot. Nakarinig na naman kami ng kaluskos. Pinatay kaagad ni Ate yung ilaw sa hindi ko malaman na dahilan. Kinuha ko yung chance na 'to para takasan sila. Sila-sila lang din ang magdadala saamin sa kapahamakan. Akala ko makakatulong sila saakin, 'yun pala, opposite ng inisip ko. I need to solve this by myself kung ayokong may mangyaring masama. Kahit medyo nate-tense ako, tuloy padin ako sa pag usad. One way trip lang to! Kaya galingan ko na. Wala na ako ngayon sa mga Museleo, nandito ako sa gubat na part ng sementeryo. Nakakita kasi ako ng liwanag kaya sinundan ko. Umaasang matigil na ang lahat ng kalokohang 'to. Kung sino man ang nang tri-trip saamin ay sana makonsensya siya. Nakaramdam ako ng presensya sa aking likuran kaya humakbang ako para makakuha ng pwersa pang suntok pero huli na. Ramdam ko na ang isang matulis na bagay saaking leeg. "Please.. Behave this time. Your so Naughty as always." One thing for sure. I will remember those voice. Nakaramdam na lang ako bigla ng pagkaantok. Di ko napansin na tinurukan niya pala ako sa braso ng pampatulog. What will happen to me after this? Damn it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD