Chapter 6

2187 Words
- Casualties - "Tamang tawanan lang habang nasa malayo." Masasampulan ko na talaga 'tong si Dale. Siya nag papunta kay Heather sa pwesto ko tapos ganyan! Nag aantay lang ako ng tamang timing para masapak ko yang lalaki na 'yan. Alam niya pa naman ang feeling ng masapak kasi madalas ko yang binubugbog kapag namumuro na siya kaka-trip saakin. Pinakita ko na lang ng palihim yung kamao ko sakanya na ikinatigil niya. Hindi lang ngayon nangyayari ang mga ganto. Sa mga tropa din namin ay pinagtri-tripan ako tapos kapag siya pinagtripan mo, ang bilis maasar. Well mabilis din ako maasar subalit iba talaga ang bilis nitong bugok na 'to. "Ayoko na nga." Dali-dali itong lumapit kay Maurice. Mas okay na yan kesa sa pag tripan ako. Siguro ikwento ko na sakanila yung nangyari doon sa dulo nung gubat. "Ibahagi ko na ba ang natuklasan ko?" Tanong ko na tinanguan lang nila. "Pumunta ako sa gubat para tignan kung may labasan ba o daanan pero luhaan ako pagpunta ko roon." Dugtong ko. Naka hinga ako ng maintindihan nila ang meaning ng luhaan ako pagpunta ko roon. Hindi ko kasi ginawang literal 'yun, I just made a reference para sa word na iyon "Bigla namang sumulpot yung lalaking nag sisisigaw kanina na may naka hambalang daw sa gate nitong sementeryo, Brent yata pangalan tapos bigla ding sumulpot yung dalawa pang kasama nito." "Ahhh.. kilala ko sila! Si Brent, si Marxus na pinaka matanda sakanilang lahat at yung Sharp na may baby face." Kunot noo kong pinagmasdan si Heather ng marinig ito mula sa labi niya. Natawa na lang ito sa hindi ko malamang dahilan. "Grabe ka naman makakunot! Kilala ko sila kasi magkakaklase kami except sa bestfriend kong 'to at yung Sharp na hindi ko talaga ka-close. Parehas kasi si Sharp at Lyle na Grade 11 palang." Inakbayan ni Heather si Lyle na kasalukuyang nakakapit sa braso ni Arc. Bigla namang sumabat si Dale. "Yung isa kasi jan ang bilis mag selos." Binatukan ko nga ito. Nagsisimula na naman kasi siya. "Matutulog muna ako," paalam ko sakanila. Hindi ko na pinakingan pa ang mga pinagsasabi nila dahil gusto ko munang mag pahinga. Masarap matulog kapag busog yung lang ang tumatakbo sa utak ko ngayon. Nilapitan ko si Ate Allison para kunin yung susi ng sasakyan. Don ko kasi binabalak matulog tapos bubuksan ko yung aircon para solve ang araw, hindi kasi ganon kaaya-aya yung sikat ng araw ngayon kaya kailangan kong mag palamig. "Guys! May inaantok ba 'jan? Pwede kayong matulog sa kotse!" Pasigaw na tanong ni Ate kasi mag kakalayo-layo sila. "Si Heather yata mukang inaantok." Nag pintig ang tenga ko ng marinig ko ang boses ni Dale. "Heather dali na! Alam naming inaantok ka na." Panghihikayat naman ni Lyle hanggang sa lahat na sila ay pinipilit si Heather. Kinibitan ko na lang ng balikat at taimtim na pumasok sa sasakyan. Umupo ako sa driver seat para madali kong maisalpak yung susi ng kotse. Hindi ko naman imamanaho ito, sadyang kailangan lang talaga na nakasalpak yung susi para gumana yung aircon. Sa tabi ko naman naupo si Heather. "Hala! Wala akong dalang kumot." Saad nito ng mapansin niya ang pag kalikot ko sa aircon. Tinigil ko muna ang pagaasikaso sa aircon para bigyan ng kumot si Heather. Bunuksan ko lang yung compartment at saká kinuha ang isang sleeping bag na nag lalaman ng sapin, kumot, unan at marami pang iba. "Oh," maingat kong inabot sakanya ang kumot. Hindi ko na nilock pa yung compartment kasi may kukunin si Maurice. Sinarado ko lang ang pinto ko tsaka binaba ang aking upuan para makahiga ng maayos. "Chase?" Tinignan ko lang siya. "Paano ba ganyanin yung upuan?" Napangiti na lang ako ng palihim. Hindi ko siya inimik bagkus ay lumapit ako sakanya para ayusin yung upuan niya. "Ayan okay na." Nilagay ko muna sa number 1 yung aircon tapos 2. Hindi ko na inabot pa hanggang sa pang-apat na level kasi sapat na 'yun para malamigan kami. "Chase." s**t! Bakit parang ang sarap pakingan nun sa tenga ko? Hinantay ko itong mag salita pa ngunit hindi niya na iyon nagawa pa. "Heather bakit?" Paglingon ko sakanya ay nanginginig siya. "Heather?" Hindi niya kayang mailingon saakin ang mata niya kaya ako na ang nag kusa. "Heather anong problema?" Nagpanik na ako ng wala akong makuhang sagot. Binuksan ko ang pintuan niya. Puro tilian at hiyawan ang bumungad saakin na animo'y kilig na kilig sa nakikita. Bwisit! Iniisip ba nila na nag halikan kami ni Heather? "Hoy! Tulungan niyo ko. Hindi naimik si Heather." Walang tumugon sa sinabi ko kaya binulyawan ko na sila. "HOY!" "Anong nangyari kay beshie?" Nag-aalalang tanong ni Lyle. Hindi ko iyon nagawang sagutin kasi umalis muna ako sa driver seat para pumunta sa side nila. "Hindi ko din alam ang nangyari. Tinawag niya ako tapos huminto siya at don na siya hindi umimik." Ano bang nangyayari? "Heather!?" Sinampal na ito ni Lyle. Sa unang sampal, walang reaksyon ang nakita namin kay Heather. Sa pangalawa ganon padin subalit ng mag pangatlo ay natauhan na ito. Inalalayan ni Maurice na makaupo ng maayos si Heather. "Anong nangyari sa'yo Heather?" Nasaksihan ko kung paano ma-nginig muli ang kamay niya pati na rin ang mata nito. Bakit siya natatakot? "Ma-may naka-tingin saakin n-ng ma-masama k-kanina nu-nung tina-wag k-ko si C-Chase." Kumabog ang dibdib ko. Hindi to maari, kumikilos na siya. Kailangan naming kumilos kaagad. "Nakamasid sila." Ani ni Ate. Tumayo na ako upang dumistansya sa kanila. Tinignan ko lang sa mata si Ate Allison, wala na kaming nakuhang kasunod na nakamasid sila. Ibig sabihin ba nito ay hindi lang siya nag iisa? Matagal na akong may ideya na madami sila subalit hindi ko alam na ma cocomfirm namin 'yun ngayon. "Ate?" Na estatwa ito kaya agad ko siyang nilapitan. "Anong problema?" Kinakabahan kong tanong. "Nakamasid siya saakin kanina, yung isa ay may malambing at payapang tingin pero yung iba ay kabaliktaran nun." Napasabunot na lang ako saaking buhok dahil wala akong maintindihan. Kay ate matinong mata ang nakita niya subalit yung iba ay masamang nakatingin sakanya habang kay Heather naman ay isang masamang tingin lang ang nakuha. Hindi ko maitugma ang problemang ito. "Chase, ano bang nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Arc. Hindi ko din alam ang itutugon sa tanong na 'yun kaya kumabit-balikat na lang ako at napahawak sa aking sintido. Ang hirap intindihin pag hindi mo nasaksihan o naranasan yung nangyari. "Okay na ako." Tumayo si Ate Allison at taimtim siyang nahiga sa nakalatag na tela sa damuhan. Pinagmasdan niya lang ang kalangitan ngayon. I don't think na nasa kondisyon siya ngayon para magpaliwanag. That means, kami mismo ang mag so-solve ng mga 'to. Napahikab ako. Inaantok na talaga ako at hindi ko iyon maipagkakaila sa sarili ko. "Matulog ka kaya muna don." Suhestyon ni Maurice na sinangayunan ko. Bumalik ako sa kotse ng mag isa. Nabigla pa din si Heather sa  mga nangyari kaya ayon, pinapakalma siya nila Lyle. "Pwede pumasok?" Tango lang ang sinagot ko kay Dale. Hininaan ko ang aircon at ginawa itong number 1. Naiwan ko pala itong sasakyan dahil sa pag panik ko sa nangyari kay Heather. Akala ko siya lang ang papasok, pati din pala si Arc. "I think we need to do something here." Tamad ko silang tinignan saka nag salita. "Yeah we do need to move pero wala naman tayong sisimulan? Hindi tayo makakakilos ng maayos niyan, baka nga wala lang tayong magawa kapag kumilos tayo kasi nga, wala tayong kaide-ideya sa nangyayari." "Masama ang kutob ko dito," Bwelta ni Dale. Bumuntong hininga na lamang ako sapagkat mas lalo lang nilang pinapalala ang sitwasyon kapag nag isip kami ng sobra-sobra. "Tutulog muna ako please." Tinapos ko na ang usapan doon. Ngayong nirerelax ko ang aking sarili sa mga nangyari, sila namang nag papabalik sa stress. Ayokong lahat kami ay ma stressout dito. "Fine. Aalis na muna kami at baka masira pa namin ang tulog mo." May halong inis na saad ni Dale. Hindi ko na lang pinansin, pinikit ko na lang ang mata ko at natulog na kaagad. Napabagon ako ng makarinig ng sigawan at tilian. "Anong nangyayari?" Tanong ko ng bumukas ang pintuan sa likod ko. "Bumangon kana, kailangan nating puntahan 'yun." Pinatay ko lang ang aircon tsaka tinangal ang susi ng sasakyan. Binulsa ko lang ito saká lumabas. "Lyle at Maurice, kayo munang bahala sakanilang dalawa ha!?" Idinilat ko ng maayos ang mata ko. Nag papanik ang lahat sa hindi ko malamang rason. "Tara na Chase." Hinila na nila ako ngunit pinigilan ko sila. "Kailangan ng isang lalaking maiiwan para bantayan ang mga babae." Bilin ko gamit ang bagong gising na boses. Nag unat-unat pa ako habang sinasambit iyon. "Ako na lang magpapaiwan," bumalik si Dale sa pwesto nila Maurice, nag patuloy na kami ni Arc sa pagpunta sa mga taong nagkakagulo. Una naming napansin ang mga nag sisigawan na tao malapit sa may gate. "Palabasin niyo kami dito!" "Saklolo!?!" Nagkatinginan kami ni Arc. Mukhang malala ang nangyari dito kasi grabe nalang maka react ang mga tao. "Ano pong nangyayari?" Sinubukan namin magtanong subalit wala kaming nakuha kahit kanino man. "Bata anong nangyari?" Kalmado na may halong tensyon kong tanong. Pinilit kong hindi maging bagong gising. "M-may pa-patay po." 'Di ako nakapag-react dahil puno naman ng mga patay ang sementeryo hindi ba? Palihim kong kinurot ang aking braso para magising na talaga. Ngayon, malinaw na saakin kung ano ang tinutukoy ng bata. Literal na patay na siguro ay bagong-bago lang kasi kung patay na nakalibing lang ang tinutuloy nung bata, e 'di sana hindi ganyang nagkakagulo ang paligid namin. Sana lang talaga mali lang ang pagkakaintindi ko roon. Kumaripas agad kami ng takbo papunta sa direksyon na itinuro nung bata. Nilampasan lang namin ang iilang tao bago narating ang pinag kakaguluhan nila. "Wala naman ah?" Naguguluhan kong tinignan si Arc na kasalukuyang may nabiglang reaksyon. Sinundan ko ang tingin niya at ayon na nga! Nakita ko na ang tinitilian nila. Pumikit kaagad ako ng makita iyon. s**t! Naaalala ko na naman yung incident kay mom and dad. Si Ate Allison na, na trauma sa nangyari nung gabing 'yun. Hindi ako makapaniwala na makakakita talaga ako ng patay sa harapan ko pa mismo. Hindi ko nga nagawang makita ang magulang ko nung nangyari yung gabing iyon kaya wala akong ka ide-ideya ngayon kung ano ba dapat ang maramdaman ko. "This is... not a suicide." Minulat ko na ang mata ko, hindi ito ang tamang oras para maging duwag. Pinagmasdan ko maigi ang taling nakapulupot sa leeg nung babaeng hindi ko na mawari ang mukha dahil nalapnos ito. Nakuha ng isang babae ang atensyon naming lahat ng magsalita ito. "Nag sisimula na sila!" Nabale ang sanga kaya nawala ang tingin ko sa babaeng nag salita. Nag focus ako sa pag iwas sa bangkay na naririto. "Teka! Arc, nakikita mo pa ba yung babaeng nagsalita kanina?" Hinalughog ni Arc ang mga tao gamit ang mata. Ganon din ang ginawa ko. "Nawawala siya," nagmadali kaming umalis don at hinanap ang babaeng nag salita kanina. Napadpad na kami sa mga museleo datapwa'y bigo kaming mahanap siya. Sa paghahanap namin, nakakita kami ng butil ng dugo kaya 'di na kami nag patumpik-tumpik pa at sinundan namin iyon. Para siyang path gamit ang dugo. Siguro ginawa niya na 'yun para masundan namin siya upang iligtas. "Sino sa tingin mo ang may kasalanan nito?" Tanong ni Arc ng pabulong. "Kilala mo na." Tinutukoy ko ang nag turok saakin ng pampatulog at yung nakamasid saamin ni Arc nung napadako kami sa gubat. Dinala kami ng mga bahid ng dugo sa isang maliit na shack. Nag tinginan muna kami ni Arc kung sino ang unang papasok saaming dalawa. Ako na ang nag presinta habang itong kasama ko ay nag babantay sa labas ng paligid nitong maliit na shack na 'to. Pansin ko lang, bakit laging dito sa magubat na parte nangyayari ang mga kababalaghan? Kasi ba dahil masukal at madilim dito o sadyang nandito lang sa gubat na 'to ang lunga ng may kagagawan nito? Isang papel ang nakita ko. Sorry, your too late. Iyon ang nakasulat doon, isang patak ng hindi ko mawari ang dumampi sa balat ko. Sinuri ko itong maigi at napag tantong isa pala iyong dugo. That means, nasa itaas ko lang ang bangkay? Gusto kong tignan para iconfirm pero at the same time ay ayoko kasi hindi pa ako handang makakita ng fresh dead body. "Arc." Pumasok din siya sa loob ng shack na ito. "Mukhang kailangan na nating umalis dito." Hindi ko pinahalata ang panik side ko. Ayokong mabigla din siya sa bagay na nasa taas namin. Once na mag freakout na siya, baka ako yung sunod na atakihin ng kaba't takot. Hindi ko nga maipaliwanag kung paano ko nakayanang pagmasdan yung sariwang bangkay na nakabitin kanina. "Bakit naman?" Naguguluhan niya akong tinignan. Mukhang kailangan ko na ulit mag salita. "Just don't look down." Alam ko kasi kapag sinabi mo na don't look up, titingin siya sa itaas kaya yung baba na lang ang ginawa ko. Puwersa kong tinulak ang aking kasama papalabas ng shack na 'yun. "Ang gulo! Wala akong maintindihan!" Naguguluhan nitong angal "Ipapaliwanag ko mamaya." Nagpatuloy na kami sa paglalakad palabas ng gubat na ito ng mahagip ng mata ko ang isang dahon. Sa unang tingin mo ay mama-mangha ka subalit kapag nakita mo ma ito ng buo, kikilabutan ka. Dahon na may dugo sa gitnang parte nito. Hindi lang isang dahon, halos lahat ng natatapakan namin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD