- End of start - Naglabas ito ng isang patalim at mabilisan niyang hiniwa ang leeg si Greyson na nakakatandang kapatid ni Sharp. Tumalsik ang dugo rito na umabot sa kinatatayuan namin. Hinayaan niya na lang itong matumba sa lapag tsaka pasimpleng nag lakad papalayo. Lahat naman kami ay naestatwa sa aming pwesto dahil sa gulat sa pangyayaring na witness namin. Nag simula ng kumalat ang dugo sa lapag, kitang kita pa ng aking mata ang nakangiting labi nito. Nalinlang siya ng babaeng iyon. Hindi ko magawang tignan ang pinang gagalingan ng dugong iyon sapagkat alam kung mandidiri lang ako sa sinapit nitong kapatid ni Sharp. "Bwisit!" Sinabunutan ni Marxus ang kanyang sarili. Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata. "W-wala na tayong magagawa sa bagay na ito, ang tanging magagawa na lang na

