Habang nakasandal ako sa balikat ni Zen at ang kanyang kamay ay nakahawak sa akin habang hinahaplos nito ang kamay ko pakiramdam ko naging mas magaan lalo ang loob kuna parang may isang nilalang na kagaya niya na handang samahan ako at hindi nagbabago ang kanyang tingin sa akin kahit ganito na ang mukha ko ganon parin ang tingin niya sa akin kung paano niya ako tignan noong una ganon niya din ako tignan ngayon. Naririnig ko ang bawat buntong hininga ni Zen sa tabi ko habang ako naman patuloy na nakasandal lang sa kanya at hindi gumagalaw at nagpapasakit sa mga sugat kuna sana mawala pero paano ito mawawala ng ganon ka bilis, wala namang himala na mawala ito kaagad kaya wala akung ibang magawa kundi ang tiisin nalang ito hanggang sa mawala na abutin pa ng ilang buwan. “Matagal na kitang n

